Kabanata 54

233 9 0
                                    

Sapatos

Nagulat silang lahat ng makita ang kanilang nasa harapan.

"Dito ang inyong baryo?"

Tanong ni Elias sa lalaki.

"Opo,maliit lamang po 'yan pero masaya naman po riyan."

Halata mo sa boses ng lalaki na totoo ang kaniyang mga sinasabi magkaiba sa katauhan na mayroon siya kanina.

"Kung gayon ay ipakilala mo na kami sa 'yong pamilya."

"Halika na po,hindi po kagandahan ang aming pama-mahay o malaki 'to."

Ngumiti lamang si Maria habang hawak ni Fransisco ang kaniyang kamay.

"Hindi naman po namin sinabi na dapat ay bongga ang bahay niyo,sabi niyo nga po at masaya po rito sa inyo.Narito po kami upang magpahinga muna at tingnan kung ano ang aming maitu-tulong sa pamilya niyo."

Ngumiti rin pabalik ang lalaki at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Tae ko..."

Nahuhuli sila Maria sa pagla-lakad kung kaya't may pagka-kataon si Fransisco upang kulitin at lambingin 'to.

"Tumigil ka,Fransisco."

"Hindi parin siya nage-get over diyaan sa tae thing?Argh!"

Nag-pauna si Maria sa paglalakad ngunit kaagad siyang hinabol ni Fransisco.

"Bakit?Ayaw mo ng tawag ko sa 'yo?Hindi ba't---"

Kaagad siyang hinarap ni Maria.

"Biro lang,halika na at magpatuloy sa pagla-lakad."

Ngumiti naman si Fransisco at muling pinag-siklop ang kanilang mga kamay.

"Parang nung nakaraan lang halos magsalubong na ang kaniyang mga kilay kapag nakikita ako pero ngayon ay halos parang mighty bond na nakadikit na sa 'kin."

Napa-iling na lamang si Maria at sumunod na rin sa kaniyang pamilya kasabay si Fransisco.

"Bea anak!"

Tawag ng lalaki sa isang batang babae na naglalaro ng lupa.Kaagad naman 'tong lumapit at nagmano sa ama,pagkatapos ay tumingin kila Maria.

"S-sino po sila Tay?"

Hinawakan naman siya sa braso ng kaniyang tatay at nagsalita.

"Ang mga y Dela Fuente,anak.Narito sila upang mamasyal at tumulong sa 'tin."

Nanlaki naman ang mata ng batang babae at kaagad na lumapit kay Elias.

"M-magandang Araw po."

Ani ng bata habang nahihiyang nag-mano.

"Si Bea ang pangalawa kong anak,Ginoong Elias."

Hinawakan ni Elias ang buhok ng batang babae habang hinihimas pa ang buhok.

"Napaka-gandang bata."

Nahihiya namang ngumiti ang bata at muling nagtago sa likod ng kaniyang Ama.

"Salamat,Don Elias.Hindi ba't nais mong makita ang Panlimang Binibini,Bea?"

Tumango ng marahan ang Babae habang nagnining-ning ang mata dahil sa sinabi ng kaniyang Ama.

"H-hindi po ba't hindi siya lumalabas?"

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon