Gabing Malamig
"Anong ginagawa niyo rito,sa ganitong oras?"
Ani sa amin ng isang ale.
"N-naghanap lamang po kami ng makakain dahil gustong kumain ng aking asawa."
Ani ni Fransisco sa Ale.
"Nagda-dalang tao ba ang iyong asawa?"
Napatingin naman ako kay Fransisco ngunit ngumisi lamang ito.
"Opo."
Agad namang nag-iba ang mukha ng ale.
"Naku,dalian niyo na sa pagla-lakad upang makarating kayo sa 'nyong tirahan.Bali-balita pa naman na may aswang na gumagala rito."
"Ganuon po ba?Sige ho salamat,mauuna na po kami."
Ngumiti lamang ang Ale at tumungo na sa daanan na kaniyang tatahakin.
Ng makarinig kami ng mga nagma-madaling yabag.
"Dali at baka sila na 'yan."
Ani ko kay Fransisco at agad ko na siyang hinila.
"Hindi muna tayo paparoon sa bahay ng 'yong Lola,Maria."
Agad naman akong nagtaka.
"Bakit?Hindi ba't mas delikado ako kung magpa-palakad lamang ako rito sa lansangan?"
Ngumisi naman ito.
"At sinong nagsabi na rito tayo magpa-palipas ng gabi?"
May mapaglarong ngisi na ito sa mga labi dahilan upang kumabog ng napakalakas ang aking dibdib.
"A-anong ibig-mong sabihin?"
Hindi man lang niya sinagot ang aking tanong ay basta na lamang ako hinila sa kung saan.
Nakarating kami sa isang bahay,ngunit hindi ko alam kung kaninong bahay ito.
"Bakit tayo naparito?Dito tayo tutuloy?"
"Oo,ngayong gabi lang naman."
Napatango-tango ako sa kaniya.
"Halika at ipapakita ko sa'yo kung sino ang nagmamay-ari ng pamamahay na ito."
Nagulat ako ng buksan niya ang pinto.
"Oy anong gagawin mo?Bakit nabuksan mo ang pinto?Baka makulong tayo dahil sa iyong ginagawa!"

BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historical Fiction(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...