Kabanata 29

502 19 0
                                    

Pagma-mahalan

Kasal?Anong kasal?

"A-anong kasal?Hindi ba't pagkatapos pa ng bakasyon tiyaka itutuloy ang kasal?"

Ngumiti naman ito sa akin.

"Nais ko kasing maitali sa'yo."

"Hindi ba't napaka-aga pa para ruon?Malay mo magsi-si ka sa huli at tiyaka hindi ba't masama na hindi natin kasama ang ating mga magulang?"

"May kamag-anak ako na isang padre kaya walang problema sa ating kasal,ngunit bakit sa tono ng iyong pananalita ay ayaw mo sa aking makasal?Sa 'yo bang pinanggalingan ay may nobyo ka na?"

"Hindi naman sa ganuon ngunit sagrado kasi ang pagpa-pakasal."

"Edi magpakasal ulit tayo sa bakasyon,nais ko ng pagisahin ang ating kaluluwa."

Magsasalita pa sana ako ng may inilabas siyang singsing sa isang gilid ng kaniyang bulsa.

"Binibini,maaari ko bang hingiin ang 'yong kamay?"

Agad naman akong napa-isip,ikakasal kami ng patago kung ganun ay may itatanong pa ako.

"Talaga bang sigurado ka na?Mahal mo ba talaga ako?"

"Mahal kita,Maria."

Hindi naman siguro masama pumili ng kaligayahan hindi ba?

Hindi ko naman mapipigilan ang sarili ko na mahalin siya kahit sa sandaling panahon.

"Oo,magpapakasal na ako sa'yo."

"Salamat!Napakasaya ko,Maria.Huwag kang mag-alala maikakasal ulit tayo sa pangalawang pagka-kataon sa bakasyon."

"Mm."

Agad naman niyang hinalikan ang nuo ko at ngumiti sa akin.

"Mahal mo ba ako?"

Tanong niya sa akin,ngunit nahihiya kong itinago ang aking mukha sa kaniyang damit.Yohoo libre pangboboso niyahahaha,may abs.

"Ako lang naman ang makakarinig,kahit ibulong mo na lamang sa akin."

"Ayaw."

Ani ko na nakatago parin sa kaniyang kasuotan,hindi niya alam na namboboso na ako hahaha.

"Naghihintay ako..."

"Ayaw ko..."

"Nahihiya ka sa akin?"

"Parang ganun na nga,e kasi huwag mo ng itanong kung alam mo naman."

"Sige na nga,kung 'yon ang iyong gusto."

Ngumiti ako sa kaniya at mas siniksik pa ang sarili ko sa kaniya.

Nang makarating na kami sa simbahan na kaniyang sinasabi ay agad naman kaming pumasok sa loob at tiyaka tinungo ang isang silid.

"Ginoong Fransisco!Kamusta ka na?Mabuti't napa-dalaw ka rito."

"May hihingiin sana akong pabor tiyo Simon,nais ko sanang ikasal mo kami ni Maria."

"Ikasal?Hindi ba't sinabi ng inyong pamilya na pagka-bakasyon na?Naparito sila nung nakaraang araw."

"Nais ko po kasing maikasal na kami sa lalong madaling panahon,hindi po kasi natin ang mangyayari sa hinaharap."

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon