Pagtakas
Dahil sa gulat ay nasapak ko siya.
"A-aray!"
Habang sapo-sapo niya ang kaniyang mukha mabilis na lumisan ako sa kaniyang kinaroroonan at mabilis na hinanap si Rebecca.
Hindi niya naman siguro ako nakilala hindi ba?
Nakahinga ako ng maluwag ng marating ko kung saan kami magkikita ni rebecca.
Sinipat ko ang sarili ko ng mapansin kong nawawala ang aking panali.
Naisama ba sa paghampas ko sa lalaking nasasapian kanina?
"Binibini?"
Iwinaksi ko muna ang panali ko ng makita kong palapit na sa kinaroroonan ko si rebecca.
"Iyo bang nahanap?"
"Narito na binibini,nakapag-paalam narin ako sa bantay rito."
"Salamat,maaari na siguro tayong bumalik sa ating bahay."
"Tama binibini,at baka magising ang donya at ikaw ay tabihan sa iyong pagtulog."
"Halika na."
Bago kami makalabas ng tuluyan sa silid aklatan ng mga Salazar ay may sumigaw na baritonong boses na umalingawngaw sa buong silid aklatan.
"Nasaan ang mapangahas na binibini na nanakit sa aking mukha?Mag-madali kayo at hanapin ang nagmamay-ari ng panaling ito."
Kinabahan ako,kung kaya't hinila ko na paalis si rebecca roon.
"Tila may nakasira na naman ng kaniyang mukha."
"Sino ba iyon,Rebecca?"
"Ang pinsan ni ginoong Fransisco."
"Ano ang kaniyang pangalan?"
"Romeo,binibini."
"R-romeo."
"Oo,binibini."
Duon natapos ang usapan at nagpatuloy na kami sa paglalakad pauwi.
Pagkadaan namin sa likod bakod ng bahay ay nauna ng pumasok sa kaniyang silid si Rebecca.
Ako naman ay pumasok na rin sa silid na nakalaan para sa akin.
"Longganisa with cheese."
Hinahanap ko kung paano lutuin ang ulam na iyon kaya lamang ay sadya na napakaraming pagkain na naruon.
Nakailang minuto ako sa paghahanap ng sa wakas ay aking natagpuan narin.
"Sibuyas,bawang,giniling,keso,paminta,bituka ng baboy."
Basa ko sa kakailanganing ingredients,kailangan pala ng bituka yun?
Pagkatapos kong basahin kung paano ito gawin,papatayin ko na sana ang ilaw ng makarinig ako ng mga yabag na patungo sa aking kinalalagyan.
"Maria Susana?Gising pa ba ang iyong diwa?"
Sigurado ako na ang donya ito kaya naman ay dali dali kong pinatay ang ilaw at itinago ang libro sa ilalalim ng aking unan.
At nagtulog-tulugan.
Narinig kong bumukas ang pinto at may lampara pang tumapat sa aking mukha ngunit nanatili ako na kunwaring tulog.
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historical Fiction(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...