Ang mga Salazar
Agad naman akong nag-ayos para makababa na,bakit naman kasi napaka-aga ni Fransisco at ano naman ang kaniyang kailangan?
Pagka-baba ko ay nakita ko nga siya na nakaupo sa kahoy na upuan namin.
"Magandang Umaga,Binibini."
Nakangiting ani nito.
Kaya naman ngumiti rin ako sakaniya napakasarap sa tenga ng may maggu-good morning sa akin,hindi katulad sa modernong panahon na umagang-umaga ay murahan ng mga kapitbahay ang bubungad sa 'yo.
"Magandang Umaga rin,Ginoo.Ano nga pala ang 'yong sadya ng ganito ka-aga?"
"Nais ka kasing makasalo nila ina sa agahan,kung kaya't naparito ako."
"Magpa-paalam lamang ako kila ama."
"Naipag-paalam na kita,sila ata ay may patutunguhan kung kaya't napaka-aga nilang gumayak."
"Ahh,pumayag naman sila?"
"Oo,Binibini."
"Ako'y 'yong hintayin,sandali lamang ako."
Ani ko sa kaniya at dali-dali ng umakyat sa aking silid.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi parin ako makapili sa mga kasuotan ng tunay na maria hanggang sa may makita ako na pasok sa aking panlasa kung kaya't agad ko na itong isinuot.
Pagka-baba ko ay nasalubong ko ang tingin ni Fransisco,habang pababa ako ng hagdan ay minamasdan niya ang bawat pag-hakbang ko.
"Bakit tila napaka-tagal niyo namang magbihis,Binibining Susana."
Ani ni Rebecca,hindi ko na siya sinagot at nginitian ko na lamang siya.
"Maayos ba ang aking kasuotan?"
Tanong ko sa kanila.
"Mm.Halika na."
Ani ni Fransisco kung kaya't kumaway na ako kay Rebecca bilang pag-papaalam.
Tahimik lamang kami ni Fransisco sa buong biyahe hanggang sa marating na namin ang kanilang bahay.
"Napaka-laki naman ng inyong pamamahay."
"Pinaghirapan nila Ama na makapag-patayo ng bahay at lumago ang aming mga negosyo."
"Napaka-galing naman.Ngunit kinakabahan ako,masungit ba ang 'yong ina?"
"Si Ina?Medyo."
"Fransisco naman e!!!"
Natigilan ito at matamang napatingin sa akin.
"Tinawag mo ako sa aking pangalan lamang?"
"A-ahh oo."
"Puwede mo ba itong ulitin?"
"Bakit?"
"Gusto ko ulit marinig,sadyang napaka-sarap sa tainga."
"Magtigil ka nga,nahihiya na ako.Halika at pumasok na lamang sa loob ng 'nyong pamamahay."
Nag-pauna na ako sa pagpasok ng makita ko na napakaraming tao sa hapag,kabilang na ruon sila ina at ama.
Agad tuloy akong napatago sa likod ni Fransisco.
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Tarihi Kurgu(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...