Pakiramdam
Halos abot tahip ang aking dibdib dahil baka ang mga armadong lalaki ang kumakatok sa pinto.
Pinatago muna ako ni Basilio sa silid na iniukupa nila Ate,kung kaya't wala akong nagawa kung hindi sumunod dahil alam kong para sa kaligtasan ko rin naman 'yon.Naiwan sila Fransisco sa 'baba.
"Bakit ka naparito?"
Ani ni Ate Delilah habang nanlilisik pa ang mga matang nakatingin sa akin.
"M-may tao po kasing kumakatok,baka yun---"
Agad niya akong pinutol sa aking sasabihin,tumayo siya at lumapit sa akin.
"Naisip ko lang,bakit ka pa kasi bumalik?Kailangan mo ba ng salapi o ano?"
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga luhang pumapatak sa kaniyang pisngi,ate...
"H-hindi ko kailangan ng kahit na ano,Ate.Bumalik ako kasi gusto ko kayong makasama o makapiling."
Ngumisi ito ng bahagya.
"Anong motibo mo?Masaya ka na?Dahil riyan sa pagbalik mo napakarami nang mga nangyayari,sana hindi ka na lamang bumalik!"
Ramdam ko ang galit na nag-uumapaw sa kaniya,kung puwede ko nga lang pabalikin ang oras ay ginawa ko na upang mailigtas si Ina.
"A-ate..."
"Isa pa yan,nakapag-tataka ang 'yong pagkatao.Ikaw nga ba talaga ang aming kapatid?Kasi kung ikaw nga ay sana hindi magkaka-ganito ang pamilya natin!"
"P-patawad..."
"Patawad?"
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historical Fiction(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...