Kaguluhan sa bayan
Pagkatawag ko kay romeo agad naman itong lumingon sa akin at ngumiti,ang ganda talaga ng lahi nito.
May naalala pala ako,nuong kumain sa hapag naruon si fransisco hindi ba? E bakit sabi bawal raw kaming magkita ang gulo talaga ng mga tao rito hahahaha.
"Nagkaroon ka ng sugat sa iyong tuhod?"
"Oo nagamot na naman iyan ni ina."
"Napakatapang mo kasi nais mong mangielam sa kanilang trabaho upang maipaglaban ang mga mahihirap na pilipino sa bayan."
"Hindi naman kasi talaga tama ang ginagawa nila ama."
"Sabagay kung ganuon rin sila ama ay ganiyan rin ang aking gagawin."
"Eh wala ka namang lahi hindi ba?"
"Purong pilipino to,ikaw lang naman may lahi jaan e."
"Lahing tao."
"Mali,lahing aso matapang ka e."
"Nais mo yatang marabis?"
"Isa ba iyang pagba-banta?"
"Medyo?"
"Halika't mamasyal sa bayan."
"Sige,alam naman ni ina na sasama ako sayo."
"May bibisitahin ka ba ruon?o magtungo muna tayo sa ating destinasyon?"
"Ating destinasyon?"
"Oo magpunta tayo sa isang lawa at manghuli ng mga isda."
"Bakit hindi na lamang tayo sa ilog na malapit sa amin?"
Tanong ko sakaniya habang naglalakad na kami papuntang bayan.
"Para madama mo naman ang simoy ng hangin sa labas,ngayon lamang kita nakita sa tagal ko nang nagga-gala riyan sa pamamahay niyo."
"Simula dati,hindi ako nakikihalubilo sa mga tao?"
"Oo ngayon lamang kita nakita at masaya naman na magiging kaibigan kita."
"Kaibigan?"
"Ayaw mo?kai-bigan na lang?"
"May sira ang utak.Dalian na natin at sabik na akong makita sila nanay clarita."
"May ina ka sa bayan?"
"Nanay-nanayan lamang,sila ang pansamantala kong tinirhan ng ako'y mapadpad rito."
"Halika na,nais ko rin silang makita."
"Huwag ka na lang sumama."
"Bakit?"
"Baka mahawaan sila ng sumasapi sa iyo."
"Iyan parin ang iyong pang-asar sa akin?Hindi ko naman alam na naandun ka sa silid aklatan e."
"Biro lang hahaha."
Onting lakad na lamang ay nakarating na kami sa bayan,medyo dulo pa kasi ang bahay nila nanay clarita kaya madadaanan pa namin ang agora.
"Hindi dapat ganuon ang pasya ng mga kastila at mga pari."
Sabi ng isa sa mga ale na naruon.
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Ficção Histórica(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...