Paglisan sa realidad
Isang liwanag ang sumalubong sa akin,teka nabunggo ako ng sasakyan diba?bakit nakatayo ako at papasok sa isang parang lagusan?
Tinignan ko ang bulaklak na hawak ko ng makita kong wala na ito.
Tinuloy ko ang paglalakad at mga bahay na pangsinauna ang nakita ko.
Teka panaginip ba 'to?kakaisip ko ata ito sa history na class e.
Naglakad ako sa gitna at inaakala kong hindi nila ako nakikita dahil panaginip pero lahat sila ay nakatingin na animoy sinusuri pati ang aking laman loob,paglingon ko sa pinanggalingan ko kanina wala na ito.
"Sino ang binibining 'yan?"
Sabi ng isang matandang babae.
"Galing ba sa mayamang pamilya?"
"Bakit ganyan ang kaniyang kasuotan?"
Dahil sa taranta ko ay inilabas ko ang cellphone ko.
"Ano kaniyang hawak,Ina?"
"Galing nga ata siya sa mayamang pamilya."
Natulala ako ng ilang minuto,totoo ba 'to?
"Baka nawawala siya Ina?"
"Halika at tanungin natin."
Lumapit ang isang matandang babae sa akin pero lumayo ako.
"Iha?Ikaw ba ay nawawala?"
"A-ah opo."
"Saan ka ba nakatira,tila ngayon lamang kita nakita."
"Nasaan po ba ako?"
"Nasa maynila ka Hija."
"A-ano pong taon ngayon?"
"1890 iha."
1890?Nanaginip ba ako?
"Hindi po kayo nagjo-joke?"
"J-joke?Anong lengguwahe iyon?"
"Joke po as in nagbi-biro po?"
"Ngayon ka lamang nakalabas hija?Hindi ako nagbibiro,nasa bayan ka ng San Lucia."
"Hindi ko po alam,taga Antipolo po ako."
"Antipolo?Ngayon ko lamang narinig ang lugar na iyon.Halika duon tayo sa aming tahanan mag-usap."
Hindi ako makapaniwala,nasa sinaunang panahon ba talaga ako?kung binabangungot na ako sana naman ay sampalin ako ng kung sino ang katabi ko huhuhu.
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historische Romane(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...