Kabanata 12

1.3K 57 0
                                    

Sikreto

Nais ko na sanang magsalita ng maunang magsalita si Fransisco sa aking likuran.

"Ikaw pala ang tinutukoy ng binibining ito,halika na at umuwi."

Ani nito at minuwestra ang kalesa.

Hindi na rin umimik pa si Romeo at sumakay na sa kalesa.

"Papasok na muna ako sa loob upang ipaalam ang ipinadalang mensahe ni ama para kay nanay clarita."

"Sige."

Pagkapasok ko sa loob ng bahay nila nanay clarita ay nakita ko itong nakapalumbaba sa lamesa at tila malalim ang iniisip.

"Nay,si Maria."

Ani ni Clara.

"Iha,ayos ka lang ba?ipinagpabukas na ba ang aming pag-lipat?"

"Wala na pong magaganap na paglisan sa mga tahanan,nay."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kinausap na po ako ni ama,sabihin raw sa inyo na patawarin niyo daw po sila sa padalos-dalos na pasya."

"Hindi na kami mapapaalis sa aming mga tirahan?"

"Hindi na po."

"Ay salamat sa diyos.Maraming salamat sa iyo iha."

"Wala pong anuman,basta po at kailangan niyo ng tulong naandirito lamang po ako."

"Sobra na ang iyong nagawang kabutihan sa amin,Maria."

"Ulit-ulit ka naman,nay."

Saway rito ni Clara,ngumiti lamang ako sa kanila.

"Ah basta maraming salamat pa rin."

"Wala pong anuman."

"O siya,mukhang nagmamadali si Ginoong Fransisco hanggang sa susunod nating pagkikita."

"Opo."

At tuluyan na akong lumabas sa kanilang tirahan,atleast may nagawa akong mabuti hahaha.

"Mas mabagal ka pa sa pagong."

Mahinang ani ni Fransisco.

Ano?pagong?

"May nais ka bang sabihin sa akin?"

"Wala ho,binibini."

Tapos umirap pa ito,bakla ba siya?

"Ah maria?"

Ani naman ni Romeo.

"Bakit?"

"Ipagpabukas na lamang natin ang pagpasyal sa kabundukan."

"Sige,ngunit anong oras?"

"Alas sais ng umaga."

"Napaka-aga naman!Alas otso nga tulog pa ako."

"Agahan mo na lamang bukas."

"Napakahusay mag-utos ah,susubukan ko."

Sumimangot ito at umiwas ng tingin.

"Susubukan ko nga,suwerte ka na nga dahil pagla-laanan pa kita ng oras."

"Tssk."

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon