Ang Supal-pal
Kina-umagahan ay halos lahat ng tao sa bahay ng mga y Dela Fuente ay abala sa pag-aayos ng mga sarili dahil sa may misang idaroos sa simbahan.
"Susana?Halika na at kanina pa nagba-batinting ang kampana."
Ani ng kapatid ni Susana na si Sophia,kaagad namang nagmadali sa pagbibihis si Maria.
"Nasaan na kaya si Fransisco?Magsi-simba rin kaya siya?"
Sabi ni Maria sa kaniyang isipan.Lumabas siya ng kaniyang silid at baba na sana nang madaanan niya ang silid ng kaniyang ina,lumapit na muna siya rito at hinalikan sa pisngi.
"Ina,kung naririnig niyo po ako sana po ay gumaling na po kayo kaagad.Nami-miss na po namin kayo."
Nagulat si Maria ng may umubo sa kaniyang likuran.
"Hinihintay ka na ng 'yong mga kapatid at ama sa 'baba."
Seryosong sabi ng kanilang katulong na si Corazon,bago pa makalabas ng pinto si Maria ng tawagin siyang muli nito.
"Binibining Susana."
Napalingon ang dalaga at sumagot ng,
"Po?"
"Ano ang ibig-sabihin ng miss?"
Abot tahip naman ang kabog ng dibdib ng dalaga.
"G-gusto na po uling makasama."
Ngumiti naman ang matanda at lumapit sa kinaro-roonan ni Villaflor.
"Halos ang buong pamilya ay nais na ulit siyang makasama.Sa libro mo ba natutunan ang ganuong lengguwahe?"
Tumango naman ang dalaga at ngumiti,nabawasan ang kaniyang kaba dahil sa panahon pala ngayon ay ang mga mayayamang pamilya ay maraming nalalaman sa iba't ibang lengguwahe.
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Ficção Histórica(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...