Kabanata 49

257 13 0
                                    

Balik-Normal

Halos mapatalon sa tuwa ang limang binibini dahil sa kanilang nakikita.

"B-buhay si Ina?"

Tumango ang kanilang ama at ipinaliwanag ang nangyari.

"Pagka-tapos mabaril ang 'yong ina at kayo ay tumakas,sinundan kaagad kayo nang mga tauhan ng Lazarte.Iniwan nila ang 'nyong ina,gumawa kaagad ako ng paraan ng marinig ko ang pulso ng 'nyong ina.Buhay pa siya,agad ko siyang dinala sa bahay ng magaling na hapong mangga-gamot sa ating lugar."

Ka-agad na lumapit ang lima habang tinititigan ang kanilang ina na mahimbing sa pagka-katulog.

"Napaka-buti parin sa atin ng maykapal.Ngunit nagta-taka ako kung bakit biglaang bumait sa atin ang mga Lazarte."

Biglang pumasok sa silid ang binatang Lazarte,si Lucas.

"Magandang Araw po,Ginoong Elias."

Agad namang napa-atras si Elias ng makita si Lucas,kaagad namang humingi ng paumanhin ang binata.

"Ako na po ang hihingi ng kapatawaran dahil sa ginawa ng aking Ama sa 'nyong pamilya Don Elias."

Ramdam ng bawat isa ang sinsero sa sinabi ng binata kung kaya't ngumiti si Don Elias.

"Ang mahalaga ay buhay si Villaflor,lahat naman ng tao ay nagkakasala at wala ring tao ang hindi nagpa-patawad kahit gaano man kalaki ang 'yong kasalanan."

"Nagkamali ako sa pagkaka-kilala sa katangian ni Don Elias."

Sabi ni Lucas at muling ngumiti.

"Marami hong salamat,tunay nga po na napakabuti niyo."

Humalakhak naman si Elias at lumapit sa binata.

"Hindi ako masama hijo ngunit hindi rin ako mabuti,kumbaga tama lang.Hindi kasi sa lahat ng pagka-kataon paiiralin mo ang namumutawing kasamaan sa 'yong pagka-tao."

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon