Bakit?
Taong 1897
Simula nang araw na 'yon hindi ko masasabing nagka-ayos na ng tuluyan si Lucas at Fransisco,ngunit sa palagay ko ay maayos na naman sila nagka-kahiyaan lamang sila sa isa't-isa.
Nasa harap ako sa isang parang kalendaryo,1897 na...7 years na akong narito sa sinaunang panahon.
Sa pitong taon na 'yon maayos naman ang aking pamumuhay dito,nasa bahay na kami...sa Tirahan nila Ina.
"Susana."
Narinig ko ang pagtawag aa akin ni Aling Corazon sa labas ng pinto.
"Po?"
Binuksan ko ang pinto upang hindi mabastusan si Aling Corazon dahil hindi ko siya haharapin.
"Ipinapasabi ng 'yong mga kapatid na kayo'y hahayo na patungo sa Simbahan."
Nakangiti niyang ani sa akin,ngumiti rin naman ako pabalik.
"Pakisabi po na susunod na po ako sandali lang po."
Tumango lamang siya sa akin at tumalikod na.
Agad akong nag-ayos at bumaba na,naabutan ko sila Ate Josephina sa 'baba.
"Naruon na sila Ina sa simbahan,mauuna na daw sila dahil may gagawin pa sila."
"Oh siya,halika na."
Pagkatapos ng medyo mahabang biyahe ay narating namin ang simbahan na gumuho nung mga nakaraang taon dahil sa lindol.Ngayon ay maayos na ulit ito,sabi nga "Nothing is Impossible."kung kaya't napakarami paring mga tao na pumapasok sa naturang simbahan.
"Susana..."
Napapitlag ako ng dunggulin ako ni Ate Sophia,napatingin naman ako sa kaniya ng may pagta-tanong na titig.
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historische Romane(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...