Panimula ng Selebrasyon
Nagulat ako ng pagpasok namin sa silid-aralan ay lahat sila ay nakatingin sa amin.
"Binibining Maria?Bakit niyo suot ang kasuotan ni Ginoong Fransisco?"
Tanong ng isang babae sa gilid.
"Hindi natin alam kung ano ang kanilang ginawa.Ano nga ba ang inyong ginawa?"
Ani naman ni Clara na may kasama pang irap.
"Iba ang inyong iniisip,wala kaming ginawang masama pinahiram ko siya ng aking kasuotan dahil wala siyang maisusuot."
"Hindi ba't bawal yun lalo't magkaiba kayo ng kasarian?"
Segunda naman ng kaibigan ni Clara,natatandaan ko nga na concervative ang bawat tao rito hindi katulad sa modernong panahon.
"Bawal iyon kung hindi kayo ang magiging mag-asawa o kaya naman ang ikakasal,sa sitwasyon namin ay malapit na kaming maikasal uli."
Nagulat ako sa kaniyang sinabi,ano ang kaniyang ibig sabihin?
"Maitutuloy na ang kasal?"
Tanong ng iba.
"Ang akala ko ba ay nagbago na ang iyong nararamdaman ginoo?"
Sarkastik na ani ni Ginoong Fransisco.
"Maaaring sinabi ko iyon ngunit hindi ko kayang baguhin ang laman ng aking puso."
"Yieeeee!!!"
Ani ni Ginoong Basilio,bugok lang ang peg?
Ano ba kasing pinag-sasabi nitong lalaki na ito.
"Kung kaya't alam niyo na ang ibig kong sabihin,magsimula na tayo sa ating aralin."
Nagturo na nga siya at mga alas dos ay nag-anunsyo ang ibang mga guro na magpupulong kung kaya't maaga kaming umuwi.
At dahil Biyernes ngayon ay uuwi ako sa aming tirahan.
Kinuha ko lang ang mahalagang mga bagay sa aking dormitoryo at nagpahatid na rin sa aming bahay sa San Lorenzo.
"Anak!"
Ani ni ina ng aking pagbaba sa karwahe.
Agad ko naman itong niyakap at giniya narin papasok sa loob.
"Kamusta ka naman sa paaralan,Susana?Bakit may mga galos ang iyong braso?"
"Nalaglag ho ako sa puno,nasaan po si Ama?"
"Nasa bayan pa at may inaasikaso pa,nagamot na ba iyan?"
Pagpapatungkol niya sa mga sugat na nasa aking braso.
"Opo,sila ate Josephina po?"
"Sinundo si Sophia sa San Pedro kasama ng dalawa mo pang kapatid."
"Bakit po?"
"May gaganapin kasing selebrasyon mamaya rito dahil sa iyong pagbalik."
"Napakatagal na ng aking pagbabalik at may selebrasyon na dati,bakit mayroon ulit?"
"Nais kasi ng iyong ama na ipakilala ka na sa lahat dahil ilang taon ka ng hindi man lang nakikilala ng ating nasasakupan."
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Fiksi Sejarah(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...