Liham
Habang nakaupo sa damuhan sila Maria at Fransisco ay biglang nagsalita ang binata.
"May sama ka ba sa akin ng loob?"
Agad namang tumingin ang dalaga sa mukha ng Binata.
"Bakit naman?Ukol ba sa nasaksihan ko nuong pagkarating ko sa bahay ni Basilio?"
Tumango ang binata.
"Siguro ay mayroon.Sino ba kasing babae na matutuwa kung ang kanilang kabiyak ay may iba palang ina-ano."
Natawa ang binata sa inasal ng dalaga.Niyakap niya ito habang nakaupo sa damuhan at hinagkan ang kaniyang ulo.
"Sa aking pagka-kaalam ay may ibinigay sa akin si Hilda na inimun,hindi na ako nagtaka dahil uminom rin naman siya sa baso na hawak niya.Hanggang sa nanlabo na ang aking paningin."
Napa-isip naman ang dalaga,alam niya kung sino ang gumawa nuon ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo nito.
"Hayaan mo na 'yon,ang mahalaga ay hindi 'yon totoo at alam nating pareho ang tunay na nararamdaman natin."
Ka-agad nag-ngitian ang dalawa at masayang tinanaw ang mga alitap-tap na animoy sumasayaw dahil sa sinag ng buwan.
Ilang minuto ang lumipas ay napag-pasyahan na nilang bumalik sa bahay nila Maria dahil lumalalim na ang gabi,akmang ia-akyat na siya ni Fransisco sa bintana ng makarinig sila ng mga yabag kung kaya't bumaba kaagad si Maria sa pagka-kahawak ng binata at sila'y nagtago sa kumpol ng mga halaman.
"Shh,huwag kang maingay."
Ani ni Maria kay Fransisco dahil para itong kiti-kiti sa likot kung kaya't gumagalaw ang ibang tuyong dahon.
"May tao ba riyan?"
Ani ng ama ni Maria,kaagad namang may naisip na paraan ang dalaga.
"Meow."
Halos nangi-nginig pa ang kaniyang boses dahil sa kaba,dahil tiyak na mapapagalitan siya kapag nakita ang kaniyang kalokohan.Napahinga sila ng maluwag nang humarap na ito sa kausap.Si Lucas.
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historical Fiction(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...