Panlimang Binibini
Habang sakay kami ng kalesa papunta sa bahay ng mga y Dela Fuente ay may nadaanan kaming mga nangangabayo sa parang field.
Napansin ko ang isang pamilyar na mukha...
"Isa siyang Salazar,ang tanyag na batang salazar."ani ni Aling Corazon.
"Tanyag po?"
"Oo,dahil napakahusay niya sa ingles,pakikipag-debate at napakarami pang iba."
"Napaka-husay nga po."
"Hindi ba't naikuwento na iyan ng 'yong Ina sa 'yo?Dahil siya ang lalaking dapat ay maika-kasal sa 'yo."
"Kasal po?"
Biglang naalala ko ang aralin sa history na tumakbo lamang si Maria at parang bulang nawala.
"Oo,narapat dapat na ikasal kayo.Ngunit hindi niya pa nakikita ang iyong mukha."
"Kahit isang beses po?"
"Oo."
Magtatanong pa sana ako ng nasa harapan na ng sinakyan namin ang isang napakalaking gate.
Pagkapasok sa loob tila isang buong baryo ang naroon,napakaraming tao at may parang pista sa labis na dami ng pagkain.
"Maligayang pagba-balik binibining Maria Susana."
Sabay-sabay na wika ng mga taong naroon.
At may lumapit sa akin na mag-asawa,sina Don Elias at Donya Villaflor ang ina ni Maria.
Hindi ko maiwasang kabahan,ni wala nga sa aking nananalaytay na dugong y Dela Fuente e.
"Aming anak,maligayang pagba-balik."ani ni Don Elias
"Labis kaming nagagalak at ikaw ay nagbalik sa amin."
"A-ah opo."
Nakahanda ang kamay ng ama ng panlimang binibini kung kaya't naalala kong mag-mano sa kanila.
Nagmano ako at ngumiti ito.
"Simulan na ang kainan,huwag kayong mahihiyang ubusin ang bawat laman ng lalagyan sapagkat selebrasyon ito para sa pagba-balik ng aking panlimang anak."
Nakakahiya mang isipin na hindi man ako ang tunay na Maria alam kong hindi na ako makakatakas sa pag-acting na ito hanggat hindi pa bumabalik ang tunay na Maria.
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Fiksi Sejarah(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...