Payaso
"Nariyan na ang mga Payaso!"
Pagka-sigaw pa lamang ng isang ale ay halos lahat ng taong naruon ay tumingin sa kung saan bumaba sa karwahe ang mga payaso.
"B-bakit tila napa-aga ang kanilang dating?"
Halos hindi na mapakali si Maria nang mamataan ang isang payaso na nakatingin sa kaniya.
"Uy Maria,nadu-dumi ka ba?Nangi-nginig ka riyan."
Napa-iwas naman ng tingin si Maria.
"Nakakahiya kung sasabihin kong takot ako sa mga payaso ano!Kaya no,hindi ko sasabihin."
"H-hindi,siguro ay naiihi lamang ako."
Nata-tawa namang binatukan siya ni Clara.
"Iyan lang pala,halika at sasamahan kita."
Nagpunta sila sa isang palikuran na medyo malayo sa mga tao,may isa lamang palikuran kung kaya't nag-hintay lamang muna si Clara sa labas habang umiihi si Maria.
"Dito lamang ako,Maria ah!I-ihi narin ako kapag tapos mo."
Ani ni Clara sa labas ng palikuran.
"Sige,Clara."
"Naku kailangan kong tagalan upang wala na ang mga payaso duon sa kalsada,diyos ko!Hihimatayin ata ako."
Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si Maria sa palikuran ngunit nagtaka siya dahil wala si Clara ruon.
"Clara?"
Hinahanap niya 'to sa bawat gilid ngunit wala,ka-agad naman siyang kinabahan.
"Nasaan na naman ba ang babae na 'yon,sabi siya ang susunod tsk."
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historical Fiction(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...