Kabanata 24

516 22 0
                                    

Sayaw

Muntik na atang malaglag ang mga panty ng bawat Binibini na nadadaanan ni Ginoong Fransisco,sino ba naman kasing hindi malalaglagan ng panty sa ganiyang aura niya.

"Alam kong kilala niyo na ang kanilang nag-iisang anak na si Ginoong Fransisco Leonardo."

Nagpalakpakan naman ang lahat.

"Tama na ang pasabog na hatid ng ating kaibigang pamilya,ituloy na ang palaro."

Nagpatuloy ang paglalaro ng mga bata at ang sunod naman ay kami ng mga binata't dalaga.

"Ngayon ay kakaiba naman ang lalaruin ng ating mga binata at dalagang mga anak,magtatago ang mga Binibini at sila ay hahanapin ng mga Ginoo."

"Paano ho iyon?"

Tanong ni Ginoong Basilio,naandirito pala ito at ng iba pa naming kamag-aral kabilang na si Clara at si Romeo.

"Kunwari ay magtatago na ang mga binibini,sa loob ng labing-limang segundo hahanapin naman ito ng mga ginoo.Kung sino ang iyong mahahanap ay siya ang iyong makakasayaw sa darating na sayawan mamaya."

"Ganuon po ba?"

"Oo iho,kung kaya't simulan na ang laro."

Nagpunta ang mga kalalakihan sa isang banda at tumalikod,kami namang kababaihan ay nag-ipon muna sa gitna.

Nakita ko ang kasuotan ni Clara,naka asul rin siyang saya ngunit hindi katulad ng sa akin na bongga.

"Halika na Susana,magtago na tayo."

Ani ni Ate Milagrog kung kaya't naghiwa-hiwalay na kami.

Nagpunta ako sa likod bahay at nakakita ako ng parang tree house ruon kaya duon ako pumasok.

Napakalinis ng loob,naupo ako sa papag at nag-relaxed ang sarap kasi ng simoy ng hangin rito sa loob.

Ilang minuto ay nakarinig na ako ng mga yabag sa ibaba ng puno at unti-unti na itong umaakyat.

Hanggang sa makita ko na kung sino ang Ginoong makakasayaw ko mamaya.

Si Fransisco.

"Nahanap na kita kung kaya't hindi na kita papakawalan pa."

"H-huh?Paano mo nalamang naandirito ako?"

"Dahil rito ko nasisilayan ang iyong pagpipinta nuon."

Pag-pipinta?Hindi ako ang kaniyang nakita kung hindi ang totoong Maria,bigla tuloy akong nalungkot ibig bang sabihin ay hindi talaga para sa akin ang pag-ibig na ibinibigay niya?

"Nakita ko na ang aking pagmu-mukha nuon?"

"Hindi,dahil laging kang nakatalikod at wala na akong oras upang masdan pa ikaw hanggang sa ika'y humarap upang makita ko ang iyong mukha."

"Ahh."

"Alam mo ba Binibining Maria?"

"Hindi."

"Hahahaha,may nais akong sabihin sa iyo mamaya sa ating pagsayaw.Halika na at pumasok sa loob sigurado ay naruon narin ang iba."

"Mm."

Ewan ko pero nakakalungkot na hindi lahat totoo ang mga pinapakita nila rito sa akin dahil hindi naman talaga para sa akin ang kanilang mga tinuturan.

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon