Pagsiklab ng Apoy
Nang makabalik na sa bahay ni Moses sila Maria ay nagtaka sila dahil hindi pa naka-babalik si Sophia.
"Nasaan na si Sophia,Milagros?"
Takhang tanong ni Elias sa kaniyang anak.
"Si Josephina po ang kaniyang kasama na naglakad-lakad."
Lumingon naman silang lahat kay Josephina na malalim na ang iniisip.
"Josephina?Nasaan ang 'yong kapatid?"
Umiling-iling saglit si Josephina bago nagsalita.
"Ang aking naalala ay pinasundo niyo na si Sophia sa dalawang kalalakihan dahil may mahalaga daw kayong sasabihin."
Kumunot naman ang nuo ni Elias.
"Hindi ako nagpatawag sa kahit na sino,Josephina.Saan mo huling nakitaan ang 'yong kapatid at ang mga lalaki?"
"Sa dulo po ng sakahan,hindi ko na po pinansin dahil ginamit naman ang 'yong ngalan."
Halos manlumo ang tuhod ni Elias dahil sa narinig,nasi-siguro na niyang may dumukot sa kaniyang anak.
"Dios Mio..."
Kaagad na inalalayan ni Fransisco si Elias dahil sa biglaang pagwalang balanse nito.
"Susana kuhaan mo nang maiinom si Ama."
Utos ni Milagros sa kaniyang kapatid,kaagad namang sumunod sa utos si Maria.Nang maka-punta siya sa kusina ay nakita niyang lumuluha ang asawa ni Moses,kaagad niya 'tong dinaluhan.
"A-ano pong nangyari?"
Tumingin sa kaniya ang mga lumuluhang mata ng asawa ni Moses.
![](https://img.wattpad.com/cover/260092666-288-k659738.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historical Fiction(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...