Kabanata 59

308 9 0
                                        

Pista

Dumaan pa ang mga araw hanggang sa dumating ang pista ng San Pedro kung saan inimbitahang dadalo ang pamilyang y Dela Fuente.

"Maria?"

Tawag ni Clara sa kaniyang kaibigan na si Maria,hindi siya pinapansin nito dahil malalim ang iniisip.

"Hoy!Naku ka talagang babae ka,gumamit ka ba ng opyo?Lakas ng 'yong tama eh!"

Ngunit ganuon parin ang ayos nito,kinurot na 'to ni Clara hanggang sa mapapitlag ito.

"H-huh?"

Napakamot sa ulo si Clara dahil sa tinuran ng kaniyang kaibigan.

"Umayos ka nga!Pistang-pista oh,dumalo nga tayo rito upang magsaya eh."

Umiling-iling naman si Maria at muling tumingin sa malayo.

"Tingin mo ba'y maka-kapag saya ako sa ganitong kalagayan?Hindi ko pa nga nalalaman kung ayos lang ba si Fransisco e."

Tumawa naman ng malakas si Clara at may kasama pang paghampas.

"Naku!Bakit nasa kaniya ba ang mga labi mo para hindi ka makapag-saya?"

Bumaling tuloy ang  mukha ng dalaga sa kaniya.

"Heh!Ikaw kaya mapag-bintangan na isang Pilibustero ang 'yong Ama?Nakakalungkot lang dahil alam naman natin na hindi totoo ang paratang nila laban sa mga Salazar."

Napahinga ng malalim si Clara at tinapik ang mga balikat ni Maria.

"Wala tayong magagawa Maria,kung sakali mang makielam tayo ay madadamay lamang tayo.Ang Pilibustero hindi ba ay kalaban ng pamahalaan at simbahan?Wala tayong laban sa kanila."

Ngumiti na lamang ng malungkot si Maria habang tumanaw ulit sa malayo.

"Hindi ko alam kung ano ang una kong ire-resolba,tungkol ba kay Clara at sa lalaking nasa video o ang suliranin ni Fransisco.Kinakabahan rin ako sa nalalapit na pagba-balik ng tunay na Maria."

Ani ni Maria habang ngumiti na lamang ng malungkot.

"Diyos ko Maria,umayos ka nga.Pagmasdan mo ang paligid,hindi ba't napaka-saya?Ngumiti ka na diyaan at baka mahawa ako sa 'yo."

"Wala naman sigurong masama kung magsa-saya na muna ako sa ngayon,pagkatapos ng pista ay tiyaka ko na iisipan ng solusyon ang aming mga problema."

"Halika at tumikim ng mga handa ng bawat bahay,Clara."

Napa-palakpak naman si Clara sa kaniyang narinig.

"Mabuti't nagising ka na,halika kila Aling Cora maraming handa!"

Napangiti na lang si Maria at nagpatianod sa kaniyang kaibigan.

"Alam mo ba Marites,may mga payaso raw na magpa-pakitang gilas mamaya,naku siguradong tuwang-tuwa ang aking mga anak mamaya."

Ani ng isang matandang Ale sa gilid kung kaya't napalingon duon si Maria.

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon