Bulaklak
Habang pauwi sa bahay ay hindi ko makalimutan ang topic sa history class kanina.May ganuon pala sa history akala ko sila Jose Rizal lang 'yon.
At nacu-curious talaga ako sa katauhan ng batang Salazar e at kung anong hitsura ng panlimang binibini.
Pag-uwi ko sa bahay,nakarinig ka agad ako ng sigawan.
"Pahingi pa nga ako ng pera,Cecilia!"
Sigaw ni Tito,hindi muna ako pumasok nasa bukana pa lang ako at nakikinig.
"Wala na nga tayong pera nestor,alam mo namang mahina ang kita sa aking raket."
"Basta kailangan ko ng pera!"
Madiing sabi ni Tito kay Tita at tiyaka sinabunutan ito.
"Alam kong may perang iniwan ang nanay ni Maria,kaya sabihin mo sa akin kung nasaan at kukuhain ko."
"A-aray ko,Nestor.Walang iniwan na pera ang Ina niya."
"Masasaktan ka talaga kung hindi mo ako bibigyan ng pera."
"May bisyo ka ba Nestor?At bakit araw-araw ka na lang humihingi ng malaking halaga?"
"Wala ka ng pakielam duon,bigyan mo sabi ako ng pera."
Akmang sasampalin niya si tita ng binato ko sa mukha niya ang naiipon ko.
"Aba bastos kang bata ka ah!"
Sigaw nito sa akin.
"Hindi mo kailangang saktan si Tita para lamang diyaan sa luho mo."
"Maria,umakyat ka na sa itaas,mamaya na kita tatawagin."
"Anong akala mo Maria?kasya 'tong pera mo?Hindi!"
"E bakit---"
Naputol ang sasabihin ko ng sumigaw si Tita.
"Maria!!!"
Kaya naman dali-dali na akong umakyat sa atic.
Narinig ko pa silang nagsi-sigawan sa ibaba pero hinayaan ko na lang.

BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Tarihi Kurgu(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...