Bonus Chapter

208 3 0
                                        

A/N: Dahil valentines day ngayon may pa bonus akong chapter sainyo. Napanuod niyo ba yung MMK ng jadine kanina? Sobrang sweet diba? Dahil jan, hindi pa natatatapos ang sweetness ng JADINE sa katauhan nina Ethan De Leon at Samantha Nicole Castillo.

Extraordinary Girlfriend

Nagmamadali si Ethan sa pagmamaneho papunta ng ospital. Kanina pa siya nakikipag overtake sa mga kotse kaya napahawak ako sa upuan ng sasakyan niya. Muntik na kaming maaksidente nung bigla siyang nag brake kasi red light na.

"Fuck!" Narinig kong sabi ni Ethan. Hinihingal ako sa kaba at takot pero hindi ko inintindi iyon. Lumingon ako sakanya at hinawakan ang kamay niya na patuloy parin nakahawak sa manibela.

"Ethan relax, everything will be alright." Nag-iinit na parang apoy ang mga balat niya and I saw his teary eyes that seems like the tears would rolled down. He said nothing pero hinawakan niya rin ang kamay ko.

Hindi na masyado mabilis ang pagmamaneho niya hanggang makarating kami sa hospital. Nag park siya ng sasakyan at bumaba kaming dalawa. Tumakbo siya papuntang Emergency Room para magtanong sa nurse.

"Where's my Mom? What happened to her? Is she okay?" Narinig kong nagtatanong siya sa bawat nurse na lumalabas doon. Umiiling iling lang yung mga nurse na parang hindi nila kilala yung tinutukoy niya.

"Fuck! Tell me where's my Mom." Hinawakan niya ng mahigpit sa braso yung isang nurse. "Sir! Will you please calm down? Nasasaktan po ako."

Nagmura ulit si Ethan "Calm down? Paano? My mom is there inside the Emergency Room and you expected me to calm down? Shit! Asshole!"

"Ethan" Niyakap ko siya sa likod niya agad na kinuha ng nurse ang kanyang kamay at biglang umalis.

Humarap si Ethan sa akin at niyakap ako. Ngayon nakita ko na yung mga luha na tumatakas sa kanyang mata. "Shhh Ethan" pinupusan ko yung mga luha niya. Dinala ko siya sa upuan para mahimasmasan siya.

Shit! Nasasaktan akong nakikita yung boyfriend ko na umiiyak ngayon. Kung pwede lang sana saluhin ko yung sakit na nararamdaman niya gagawin ko para lang hindi siya masaktan ng ganito. May isang doktor na lumabas sa ER at tinaggal nito ang mask sa mukha niya. "Mr. De Leon" agad kaming tumayo ni Ethan at lumapit sa doktor.

"How was my Mom?" yun agad ang tanong ni Ethan sa doctor. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Your mom is stable right now but she's suffering from depression. This is a serious matter we can discuss it in my office."

Naglakad kami ni Ethan at sinundan yung doktor nung makarating na kami sa office niya pinaupo niya kami agad. "Mr. De Leon your Mother take a lot of sleeping pills kaya na overdose siya. Do you have any idea kung bakit niya nagawa ito?"

Natahimik si Ethan at napaisip tumingin ulit siya sa doktor. "I think its because they're always fighting with my Dad."

Nakatingin sa amin yung doktor at may sinulat siya sa papel at binigay kay Ethan. "Look Mr. De Leon, I know your mom is inflicted too much and it is not impossible to happen that she will commit suicide. I suggest you should go to a pyschiatrist makakatulong ito sa pagrecover ng Mommy mo."

Yumuko si Ethan at tiningnan ang calling card ng doktor. "ililipat na ang mommy mo sa isang private room." Tumayo kami ni Ethan pero bago kami umalis may sinabi siya sa doktor. "Thank you Doc pag iisipan ko po ito."

Sumakay kami sa elevator papunta sa 305 kung saan naka confine ang Mommy ni Ethan. Nung makarating kami sa labas ng room niya agad binuksan ni Ethan ang pinto at nakita namin na inaasikaso ang mommy niya ng isang nurse.

Nakita niya kami kaya lumabas siya at nagbilin kay Ethan na tawagin siya pag nagising na yung Mommy niya.

Napakaganda ng Mommy ni Ethan nakahiga siya sa kama at parang anghel na natutulog. Mayroon siyang kutis porcelana na balat at matatangos na ilong. Nakaupo si Ethan sa tabi niya. Hinawakan nito at hinihimas ang kamay ng Mommy niya. "Mom? Why are you doing this? Tell me Mom." Hinalikan ni Ethan ang kamay ng Mommy niya. Umalis siya sa pagkakaupo doon at tumayo.

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon