Thirty Two

30 1 0
                                    

Pinahid ko na lahat ng luhang tumutulo sa akin wala paring Ethan na dumadating. May binulong si Nanay kay Tatay kaya lumapit si Tatay sa akin at inaya akong lumakad papunta sa harap.

Sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Espesyal na araw pa naman to para sa akin pero wala yung taong gusto kong makasama.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko habang naglalakad papunta sa uupuan ko. Napatingin ako sa mga taong andoon. Nakita ko silang nakangiti habang nakatingin sa akin. Inisa isa ko silang tiningnan pero wala talaga si Ethan doon.

Binuhat ko aking gown para tuluyang makaakyat sa isang palapag papunta sa upuan ko at nung umupo na ako nagpalakpakan silang lahat at nagsimulang tumugtog ang mga musikero. Pero biglaan silang natigil dahil hindi gumagana yung isang instrument.

Nilapitan ng organizer ang mga musikero para usisain kung anong nangyayari doon. Naalarma tuloy ako dahil ayokong masira ang gabing ito.

Lumapit yung host sa akin at may sinabi na hindi ko maintindihan dahil sa ingay ng nasa loob. "Ano po yun?"

"I suggest po na we'll hire a singer para kakanta sa debut mo." Nagulat ako sa suggestion niya.

"Wait. What? Why? Hindi na ba kayang ayusin ang mga instruments?" Umiling iling yung host sa sinabi ko.

"We're running out of time Miss Samantha. Kailangan na nating mag umpisa, kanina pa naandito ang mga guests mo and I'm sure nagugutom na sila." Napaisip ako sa sinabi ng host. Oh no! I'm not ruining my birthday party pero is this what should I suppossed to do? Di bale na! Mamaya ko na iisipin yung gastos.

"Sige. Pero sino ang kukunin natin?" Bumuntong hininga ang host sa naging desisyon ko at nakita ko ang malapad niyang mga ngiti na kahit ganito ang nangyayari nakikita kong may pag asa pa para di tuluyang masira ang party ko.

Biglang dumilim sa paligid at ang tanging nakikita ko lang ay ang ilaw na nagmumula sa scented candle sa gilid ko. Naging tahimik rin sila na kahit konting ingay lang wala akong naririnig. Nagulat ako dahil may biglang tumugtog na violin at paborito ko pa talaga ang kantang tinugtog niya. May nakita akong spotlight sa gitna kung saan nagmumula ang tunog.

Si Ethan...

Nakatayo siya sa harapan at hawak hawak ang violin. Nagsimulang magkailaw sa paligid at nagulat ang mga tao nung nakita nila si Ethan. Halos hindi ako makapaniwala na andito siya sa harapan ko. Binigay niya sa crew ang violin at inabot nito ang microphone. Nagulat pa nga ako nung ang mga musicians na ang nagpatuloy sa pagtugtog ng love me like you do.

Dahan dahang lumapit si Ethan sa akin. Grabe! Parang nawiwindang ako sa nakikita ko. Siya na ba talaga yan? Hindi ba ako nananaginip? Totoo na ba talaga to?

Hindi ko na napigilan ang sarili na tumayo at lapitan din siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Totoo nga! Si Ethan nga ang kayakap ko. Hinawakan ko ang magkabilang mukha niya at napansin kong lalo siyang gumwapo.

"Akala ko di ka pupunta. Akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko."

"Pwede ba yun? You are my girlfriend Samantha. You are very special to me."

He kissed me on the forehead at niyakap ng mahigpit.


PS: Pabitin muna kasi malapit na matapos ang MOMD. Till next time! :D


Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon