Scariest Thing
Namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak. Hindi ko parin lubos maisip ang naging reply nung babae kanina. Siguro may gusto siya kay Ethan kasi hindi naman niya gagawin iyon kung wala eh. Lalo na't sa public pa talaga.
Naaalarma ako sa maaring mangyari. Napakalayo namin ni Ethan sa isa't isa paano na lang kung may gawin siya para sirain ang relasyon namin?
Napasabunot ako sa buhok ko. Kanina pa ako andito sa SC office at tuliro. Hindi ako pumasok sa ibang subjects ko. Sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa para makapag isip.
I realized na baka nag oover react lang ako sa sitwasyon. Maybe mas mabuti if makausap ko muna si Ethan bago ako mag conclude. Anyway, sanay naman ako sa babaeng kine-claim si Ethan dahil nangyari na yan sa'kin twice.
Pumasok si Thea sa loob ng office at dumaan muna sa desk nya bago tuluyang lumapit sa akin. "You want to eat? Kanina ka pa dito. Hindi ka ba nagugutom?"
Tiningnan ko aking wrist watch at nakitang 2:30 pm na pala at biglaan akong nakaramdam ng gutom. Tumunog ang tiyan ko kaya napahagikhik si Thea. "C'mon, sasamahan kita."
Bago kami lumabas sa office naghilamos muna ako ng mukha at nag ayos ng buhok. Tumingin ako sa salamin at naglagay ng concealer sa ilalim ng aking mata para naman matabunan ang eyebags ko. Pagkatapos nun lumabas na kami at pumunta sa canteen.. "Dito ka lang. Ako ng oorder ng food." Tumango ako at napaupo sa bakanteng upuan. Napansin ko yung pagtingin sa akin ng kabilang table. Naririnig kong may sinasabi sila pero hindi ko gaanong marinig dahil ang hina ng boses nila.
Umusog ako konti at pinilit kong marinig iyon. Hindi ako sigurado pero parang narinig ko ang pangalan ko. Tanging bulong lang ang naririnig ko dahil sa napakahinang boses nila at yung kulot lang ang medyo may mataas na boses kung kaya't nakumpirma kong ako talaga ang pinag uusapan nila. Siguro nakita na nila yung sa facebook profile ni Ethan.
"Wala namang masama kung magtanong tayo, pero base sa nakita natin kanina baka wala na talaga sila ni Ethan." Lumingon ako kaonti at nakitang sinabi iyon ng kulot at morenang babae. Nagkibit balikat yung kasama niyang chinita na maputi. "Kung wala na talaga sila, sayang naman. Akala ko may forever na."
Yung maiksing buhok na naman ang nagsalita. "Pero mukhang okay naman siya, hindi depressed." Napabuntong hininga ako sa mga narinig ko. Buti na lang pala walang nakakahalata sa nararamdaman ko ngayon, ayoko pa naman na pinag-uusapan ang personal life ko.
Maya't maya dumating na si Thea at bitbit yung order namin. "Okay ka lang?" Tumango ako sa sinabi niya. "Nag usap na ba kayo ni Ethan?" Umiling ako sa sagot niya. Napasinghap yung mga babae sa kabilang table. Nakikinig din pala sila. Mukhang nakuha naman agad ni Thea na hindi ako komportableng pag usapan ang boyfriend ko lalo na't nasa public place kami kaya binilisan namin ang pag kain.
Nagpalakad lakad kami sa grounds ng school at umupo kami sa bench para magpahangin. Haaay! Ang sarap ng simoy ng hangin nakakawala ng pagod. Pareho kaming tahimik ni Thea kaya nag isip isip ako ng kung anu-ano. Did Ethan already knows that I saw the picture that was posted on his profile? If someone does, may ideya kaya siyang I might also saw that? I breathed heavily, and sat deep in thought. Sana kayang itangay ng hangin ang sakit na nararamdaman ko at lahat ng negative na naiisip ko ngayon.
"Samantha, samantha." Tumakbo si Ivy papalapit sa akin, isa sa mga SC teammates ko. "May..nakita..ako..pero..sana....huwag..kang..magalit.." Hindi ko maintindihan ang pagkakasabi niya dahil hingal na hingal siya. "Teka lang, huminga ka muna, 'di kita maintindihan." Nagbuntong hininga siya at ibinigay sa akin ang cellphone niya. Isa iyong video.
Napatingin muna ako sa kanya at nagtataka. "Mas mabuti siguro na ikaw ng manghusga." Pinanuod ko ang laman ng video. Nakita ko si Ethan na may hawak na glass of wine. Napakadilim ng paligid at ang ingay, tanging disco ball lang ang ilaw dun. May narinig akong mga babae na maiingay na parang bagong dating lang. Hanggang sa biglaang nagkailaw. Nakita ko yung blonde na amerikanang lumapit kay Ethan at umupo sa hita niya. Pinabayaan lang ni Ethan yun at mukhang nagugustuhan niya pa ang ginagawa nung babae dahil pumapayag siyang kuhanan sila ng video.
Nanikip ang dibdib ko sa nakita. Ang sakit. Parang unti unti akong napupunit sa ginagawa nila. Hindi niya man lang ba naisip kung ano ang magiging reaksyon ko pag nakita ko iyon? At bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Wala naman akong nakitang dahilan para lokohin niya ako. Hindi ko kayang tapusin ang video kaya ibinalik ko ang cellphone ni Ivy at tuluyan ng nag walk out. "Samantha. Sorry." ani Ivy.
Tumakbo ako palabas ng school. Wala akong pakealam kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Sa ngayon, gusto kong lumayo. Watching him na natutuwa sa ginagawa ng blonde sa kanya, is like stabbing myself in the heart with a knife.
I know that the scariest thing about distance is that you're not sure if the person would rather miss you or forget you. Ethan, saan ba ako nagkamali?
A/N: Sorry for a sad update may part 2 pa 'to and since mahaba siya iuupdate ko na lang sa mga susunod na araw. Vote my story, and you'll have the dedication. God bless. :*
BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...
