Thirty Eight

31 2 0
                                        

Madalas ng may nangyayari sa amin ni Ethan. Hindi na iba yun sa akin tutal ikakasal na kami. Balang araw bubuo rin kami ng sariling pamilya kaya ayos lang kung may mangyari na sa amin.

Iisang kwarto lang kami ni Ethan. Yung dating kwarto ko ginawa naming iisa lang para sa aming dalawa. Kaya gabi gabi may nangyayari sa amin.

"I can't wait for us to get married and have a baby soon." Nakahiga kami ni Ethan sa kama at nakayakap siya mula sa aking likod. Inaamoy niya aking buhok at hinahalikan aking leeg.

"Ilan ba ang gusto mong anak?" Nakatiklop ang aming kamay at hinahalikan ko ito.

"We'll have five kids." Nagulat ako at napatingin sakanya.

"Ang dami naman yata?"

Napahalakhak siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Whatever you want, baby." He kissed me in the forehead.

Kinaumagahan naghanda ako ng breakfast namin ni Ethan. Tita Rachel must be awake by now. Sinilip ko siya sa kwarto niya kanina pero walang tao. Pagkatapos kong magluto ipinahanda ko na kay manang tess yung lamesa at gigisingin ko na si Ethan.

Napadaan ako sa balcony at nadatnan si Tita Rachel na abala sa pagsusulat.

"Mom?" Napalingon siya sa akin.

"Kumain na po kayo?" Ngumiti siya sa akin at tumango.

Nagtataka ako kasi napakatahimik ni Tita at napakabusy niya sa pagsusulat kaya lumapit na ako.

"May problema po ba?" Tumigil siya sa pagsusulat at tumayo. Nilapitan ako ni Tita at niyakap.

"Nothing darling. Nagsusulat ako para kay Ethan. Para sa kasal niyo." Napanatag ang loob ko at tumango. Hinayaan ko na lang siya doon at pumunta sa kwarto ni Ethan.

Pagkatapos namin kumain ng agahan ni Ethan dinalaw namin yung event coordinator upang makita ang designs sa kasal. Madali lang kami doon dahil pagkatapos kailangan naming kitain ang Daddy ni Ethan. Pinapili niya kami ng couple rings.

Pagod na kaming nakauwi sa bahay nila. Pagkarating namin doon wala si Tita Rachel ang sabi ng mga kasambahay nagpaalam ra ito na makikipagkita sa mga kaibigan niya sa Batangas.

Pero lumipas ang tatlong araw hindi parin umuuwi si Tita Rachel kaya nag aalala na kami ni Ethan. Tinawagan namin lahat ng kakilala niya lalo na yung sa sinasabi niyang kaibigan sa Batangas pero iginiit nila na kasama nila si Tita.

Kaya nagpatulong na kami sa Daddy ni Ethan at sa mga kakilala ni Tita Agnes. Nireport na rin namin sa mga pulis ngunit wala pa kaming balita mula sakanila.

Simula nung nakita ko siya sa balcony may nararamdaman na akong hindi maganda pero binalewala ko iyon dahil ayoko mag isip ng ano mang negatibo. Pero ngayong nawawala si Tita hindi ako mapalagay.

Sinabi ko kay Ethan nung araw na yun may iba akong naramdaman na kakaiba sa kilos ni Tita pero wala naman raw siyang napapansin kaya sabi niya wala akong dapat na ipag alala.

Saan na kaya si Tita Rachel? Sana umuwi na siya dahil sobrang nag aalala na kami sa kanya.
Nagpasya kami ni Ethan na pumunta sa kwarto para makapagpahinga.

Buong araw kaming nagmamasid na baka darating si Tita pero kahit anino niya wala kaming makita.

"Ethan, sana makita na ng mga pulis si Mommy mo." I looked to Ethan at tahimik lang siya. I don't know what's going on his mind right now. Pero alam kong sobrang nag aalala siya.

"Alam mo baby, nung nasa States kami. Ilang beses atakihin si Mommy ng seizure nya. Before we leave the states, sabi ng mga doktor there is still a possibility na babalik si Mommy sa dati."

Sa sobrang pagka depressed ni Tita Rachel noon sa pag iwan sa kanya sa Daddy ni Ethan. Nalaman kong nagkaroon sya ng severe depression. Ilang beses ayaw kumain. Ilang beses ayaw ng may kausap. Laging nakatulala.

I hold Ethan's hand and reassure him that everything will be fine. Siguro may pinuntahan lang talaga si Tita kaya di siya nakapagpaalam sa amin.

May kumatok sa pinto kaya agad tumayo si Ethan para buksan ito. It was Manang Tess. Napatayo rin ako dahil puno ng luha ang kanyang mga mata.

"What happened Manang?" Si Ethan ang unang nagsalita. Hawak ni Manang Tess ang isang papel na mayroong sulat. Kinuha iyon ni Ethan at agad na binasa.

It was a letter and it was Tita Rachel's handwritten. Lumingon si Ethan sa akin na may halong pagtataka. We both read the letter.

"Ethan, anak. Mommy was very happy to know that all of your dreams are coming true. Graduating student ka na, matataas ang grades mo. Unti unti munang naaabot ang mga pangarap mo, and I'm very glad because you met the woman of your dreams, Samantha. Since malapit na kayong ikasal I want you to know how happy I am for the both of you anak. I wish you for more happiness. Sana you'll be a good husband to your soon to be wife. Please don't let your marriage be like us ng Daddy mo. Be faithful anak. Kung may mga problema kayong mag asawa please pag usapan niyo. Huwag niyong hahayaan na lamang. Huwag kayong papayag na masira ng kung sinu man ang pinagsamahan ninyong dalawa. Anak, minsan ko ng pinangarap na makikita ka sa simbahan na ikasal. Pero hindi ko kaya anak, lalo na't nakikita ko ang sarili ko doon. Naaalala ko ang sitwasyon namin ng Daddy mo at ang failed marriage namin. Kaya pinili kong magpakalayo muna, Ethan. Please give Mommy a time to think of my own. Akala ko kasi nung nasa states tayo pag uwi ko ng pilipinas magiging okay ang lahat pero naging mas mahirap pala sa akin. Mas nagiging mahirap para sa akin na unting unti tanggapin na wala na talaga akong asawang babalikan. I know I so sound so selfish anak but please, huwag mo na akong alalahanin. Bigay mo na 'to sa akin Ethan. Don't forget na mahal na mahal kita Ethan"

- Rachel (mom)

Pinahid ko ang mga luha sa mata habang binabasa ang sulat at ganoon din si Ethan. I know it was very painful on his part kasi hindi niya makakasama ang mommy niya sa kasal naming dalawa.

I hugged him very tight dahil alam ko ito ang kailangan niya.

Nagulat kami nang makarinig ng siren ng ambulansya at mga pulis na paparating sa bahay. Itinigil namin ni Ethan ang pagyayakapan at dumiretso sa sala.

Sinalubong ng Daddy ni Ethan ang mga pulis. May ipinakita silang mga litrato kaya lumapit din kami sakanila.

Ipinakumpirma ng pulis sa amin kung si Tita Rachel ba ang laman ng litrato. And we confirmed it.

It was Tita Rachel lying on the stretcher. Sobrang putla ng kanyang katawan. May mga litrato din ng mga tao na nakatingin sa insidente.

"What happened to her, Dad?" Papalit palit ang tanong ni Ethan sa Daddy niya at sa mga pulis.

"May narinig kaming balita na may babaeng tumalon sa tulay at nung pinuntahan namin iyon agad namang narecover ang biktima."

What? Tita attempted suicide. Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ng mga pulis.

"Where is she now? Saang ospital?" Pasigaw na sabi ni Ethan. Halos maiyak na ako sa narinig. Sobrang nangangatog ang mga paa ko na halos di makagalaw.

"Dinala namin siya sa isang malapit na ospital sa laguna pero paumanhin po, Ms. Rachel De Leon was dead on arrival."

Parang nabingi ako sa huling sinabi ng pulis. Tita Rachel is dead. No! Hindi pwedeng mangyari to. Baka nagkakamali lang sila.

Lumabas si Ethan at nagmamadaling ipaandar ang kotse. Sinagawan siya ng Daddy niya. Nagmadali din akong lumabas ng bahay nila pero hindi ko na nadatnan si Ethan kaya pinasakay na lang ako ng daddy niya sa loob ng kotse at agad naming sinundan si Ethan.

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon