A/N: TBH po, nawawalan na po ako ng gana sa pagpapatuloy ng kwentong ito. Napansin ko po kasi na kaunti na lang yung nagbabasa nito, and marami pa pong kilig and excitement ang gusto kong gawin bawat chapter. So I hope na patuloy niyo parin basahin at suportahan ang story ko! Don't forget to vote and put MOMD on your Reading's List. Thank you and God bless po. :*
You Own My Heart
Walang imik ako habang naglalakad pauwi sa bahay namin. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, pabalik balik parin sa isipan ko yung nakita ko sa video. Kung paano nag react si Ethan doon, kung paano niya hinayaan na gawin sakanya yun. Masakit pala isipin na yung taong mahal mo may kalandiang iba.
Tulo lamang ng tulo ang mga luha ko. Tiningnan ko aking cellphone, malapit na bumaba ang araw pero ni isang text mula kay Ethan wala akong natanggap. Tuluyan na kaya niya akong kinalimutan? Wala na ba siyang pakealam sa akin pagkatapos ng pangyayaring iyon? Napabuntong hininga na lamang ako sa lahat ng tanong na bumabagabag sa isipan ko.
Pinahid ko ang mga luha ko bago pumasok ng bahay. Nadatnan ko si Francine na nag aayos ng mga kubyertos sa mesa. Napalingon siya sa akin na mukhang nag-aalala. "Ate. Okay ka lang?" Inilagay ko aking bag sa sofa at umupo. Lumapit si Nanay sa akin at niyakap ako kaya di ko na mapigilang humagulhol.
Hinagod niya ang likod ko at binigyan ako ni Francine ng maiinom para mahimasmasan ako. "Anong nangyari anak? Nag away ba kayo ni Ethan?" Napayuko ako at napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa paa ko. Hinawakan ni Nanay ang magkabilang mukha ko kaya napaharap ako sakanya. "Naghiwalay kayo?"
Naghiwalay? Doon na ba papunta yun? Kaya ba hindi parin ako kino-contact ni Ethan dahil ba ayaw na niya sa akin? Nakahanap na siya ng iba sa America kaya nagsawa na siya sa akin? Ang sakit isipin na magkakahiwalay kami. Hindi ko kaya. Nasanay na ako na tuwing gigising ako sa umaga may text na galing sakanya, siya yung nagpapasaya sa akin at kumukumpleto sa araw ko. Pag may problema ako siya yung karamay ko at binibigyan ako ng lakas ng loob. Ngayon, hindi ko kayang isipin na lahat ng ginagawa niya para sa akin mawawala at mapupunta sa ibang babae.
"Hindi ko po alam Nay. Hindi parin po siya tumatawag." Tumulo na naman ang mga luha ko at agad pinunasan ni Nanay iyon. "Anong nangyari?" Kinuwento ko lahat kay Nanay ang tungkol sa nakita kong picture sa profile ni Ethan, yung comment ng Amerikana at ng kaibigan niya at lahat ng nakita ko sa video. Pinakinggan lang ako ni Nanay at hinintay na matapos magsalita.
"Anak, hintayin mo muna na tumawag si Ethan sayo. Huwag kang mag iisip ng kung anu-ano baka yan pa ang maging dahilan para masira ang relasyon niyo." Napatingin ako kay Nanay at napahanga sakanya. Alam kong LDR sila ni Tatay pero ni minsan ba hindi niya naisip na may ibang naglalandi kay Tatay doon? Alam ko naman na faithful si Tatay, pero hindi ba sumagi sa isipan ni Nanay na maraming temptation doon?
"Alam mo Samantha." Hinawakan ni Nanay ang kaliwang kamay ko ng mahigpit. "Huwag na huwag mong paniniwalaan ang mga sinasabi sayo ng ibang tao, mas mabuti na pakinggan mo ang sinasabi ng puso mo. Dahil yung puso mo, nagsasabi ng totoong nararamdaman yan. Alam mo na maraming beses ng nangyari ito ngayon ka pa bibitaw? Bakit? Dahil malayo siya sayo?"
"Kahit na malapit o malayo kayo ni Ethan may mga tao talaga na sumusubok paghiwalayin kayo at diyan mate-test kung gaano niyo kamahal ang isa't isa. Kaya anak, pakinggan mo muna ang side ni Ethan. Alam ko naman na mabuting tao siya. Sa tingin mo ba papayagan ko siyang manligaw sayo kung nararamdaman kong masamang tao siya?"
Tumango ako sa sinabi ni Nanay at agad pinunasan ang luha ko. Maybe I'm just overthinking in that scenario. Niyaya ako ni Nanay na kumain at pagkatapos doon umakyat na ako sa kwarto at nagdasal bago humiga sa kama ko. Tiningnan ko ang masasayang litrato namin ni Ethan sa cellphone ko. Nakakalungkot naman kung biglaan na lang matatapos yung love story namin.

BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...