First of all gusto ko lang mag THANK YOU NG MARAMI kay liwanagrowena, angiedapidap and rhodzkieee dahil in-add nila yung story ko sa reading lists nila. Natouch ako. :D Tapos si NicoleValiente and JennyMartinez313 din sa pag vote, and ofcourse sa mga nagbabasa sobrang thank you sa inyong lahat. At dahil dun Idedicate ko sainyo bawat chapters ng MAN OF MY DREAMS.
*end
SAMANTHA POV
Kinaumagahan sinundo ako ni Ethan sa bahay nakasuot lang ako ng simpleng t-shirt ng artwork paborito ko kasi iyon at naka blue jeans ako at rubber shoes samantalang si Ethan naman naka polo siya pero nakapilo iyon hanggang siko niya tapos naka jeans lang sya at naka rubber shoes din. Bat ba ang gwapo gwapo niya ngayon? Walang wax at hindi nakatayo ang buhok niya pero bakit ang gwapo gwapo niya pa din? Kaya siguro maraming nagkakacrush sakanya kasi effortless ang beauty niya yun bang kahit tumayo lang sya sa ere na walang ginagawa kinikilig na ang mga babae sakanya at isa na ako dun.Isinakay niya ako sa passenger's seat at tumakbo sya papuntang driver's seat agad niyang pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang kaming nakaupo sa loob ng sasakyan hindi ako sanay kaya tinawag ko ang pangalan niya. "Uhm Ethan?" "Hmm?" Yung mukha niya nakatingin lang sa daan pero alam kong nakikinig siya sa akin. "Pa music tayo gusto ko kasing mag soundtrip" Sabi ko sakanya agad naman niyang binuksan yung maliit na lalagyan kung saan andun ang iphone niya at isang maliit ng speaker na apple din mukhang naka kunektado na yung speaker dun sa iphone niya kasi nasa pinindot nya yung playlist nya. "Ikaw na lang mamili." Tumango ako at tiningnan siya naka focus parin yung mata niya sa daan at nagmamaneho. Tiningnan ko ang playlist niya puro songs ni Ed Sheeran. Napanganga ang bibig ko seriously? Akala ko mga girls lang ang hilig sa kanta ni Ed Sheeran pati boys din pala? Agad kong pinindot yung one of my favorite song na all of stars pinikit ko yung mata ko at sinasabayan si Ed Sheeran sa pagkanta.
It's just another night and I'm staring at the moon
I saw a shooting star and thought of you
I sang a lullaby by the waterside and knew
If you were here, I'd sing to you.You're on the other side
As the skyline splits in two
Miles away from seeing youBut I can see the stars from America
I wonder, do you see them too?Feel na feel ko pa talaga ang pagkanta na parang nag duduet talaga kami ni Ed Sheeran. Nagulat ako nung biglang pinatay ni Ethan yung music at sinabayan ako sa pagkanta.
"So open your eyes and see
The way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home."Ang gwapo gwapo niya rin habang kumakanta kahit nakatingin lang sya sa daan at nagmamaneho kinikilig pa rin ako bawat bigkas niya sa mga salita parang hinihigop ako ng hangin di ako makahinga! Tumingin siya sa akin at kumindat sheeet feeling ko namumula ang pisngi ko sa kilig. Pinaandar niya ulit ang music at sinabayan niya si Ed Sheeran na kumanta kaya hindi ako nagpatalo at sumabay din ako.
I can hear your heart on the radio beat
They're playing "Chasing Cars" and I thought of us
Back to the time you were lying next to me
I looked across and fell in love
So I took your hand
Back through lamp-lit streets and knew
Everything led back to you
So can you see the stars over Amsterdam?
Hear the song my heart is beating to
So open your eyes and see the way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home
And oh
And oh
And oh whoa
I can see the stars from America.
At natapos na yung kanta at sakto naman na nakarating na kami sa school kaya naghanap si Ethan ng lugar kung saan pwede siyang mag park ng kotse niya. Pagkatapos nun bumaba siya at tumakbo papunta sa akin binuksan niya yung pinto at pinababa ako. Bukod na sa gwapong face ni Ethan gentleman din siya. Lalo tuloy ako nagakakagusto sakanya.
Papasok na kami sa gate binati kami ng guard habang papasok kami intrams pa rin ngayon kaya yung ibang students nag eenjoy parin sa iba't ibang rides at mga booths. "Mr. De Leon!" Lumingon si Ethan at napalingon na rin ako nakita ko si Mr. Romero na kumakaway habang papalapit sa amin ni Ethan. "Can I talk to you for a while?" "About what? Nagtatakang tanong ni Ethan. "Gusto ka kasing i-meet ng teachers from the other schools." sagot ni Mr. Romero tumingin si Ethan sa akin na mukhang humihingi ng permission ko kaya tumango ako. "Go ahead, itext mo lang ako pagtapos ka na. Sasama na lang ako kay Arianna." Tumango siya. Nakita ko si Mr. Romero na ngumingiti "Don't worry Mr. De Leon saglit lang to ibabalik kita agad sa Princess mo." Lumakad na sila papalayo sa akin. Tinetext ko si Arianna kung saan siya ngayon para samahan ako. Habang nag aantay ng reply mula sakanya lumapit ako sa isang booth kung saan nagbebenta sila ng mga fruit shakes. "Miss, isang strawberry large" sabi ko sa nagbebenta dun. May narinig akong bulong-bulongan sa gilid ko. "Siya yung kinantahan ni Ethan kahapon diba? Ang swerte naman niya." sabi nung isang babae. "Oo nga. Ang alam ko wala pang nililigawan si Ethan dati bukod sakanya ang swerte talaga nakakainggit." Inabot sa akin nung babae yung strawberry shake ko kaya inabot ko sakanya ang bayad paglingon ko nakita ko si Michelle na nakatingin sa akin lumapit siya akala ko aawayin na naman niya ako pero hindi bumili din siya nung fruit shake pero bago ako umalis narinig ko yung sinabi ng kaibigan niya "so iniwan ka na talaga ni Ethan?" natahimik lang si Michelle at mga ilang segundo nagsalita siya. "Okay lang dahil alam ko iiwan din siya ni Ethan." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at naglakad papalayo sa kanila may mga nakakasalubong akong ngumingiti sa akin at binabati nila ako kahit yung iba hindi ko kilala kaya ngumingiti rin ako sakanila habang yung iba naman nakataas yung mga kilay nila at iniirapan ako pero bahala na gaya ni Michelle inggit lang sila.
Nakita ko si Arianna na papalapit sa akin. "Hey! Nagreply na ako sayo ang tagal mo namang magreply." Oo nga pala noh? Nakalimutan kong tingnan ang cellphone ko. "Pasensya ka na nakalimutan ko. Syanga pala may favor ako." "Ano yun?" Biglang kumunot ang noo niya na parang nagtataka. "Gusto ko kasi maghanap ng gown yung mura lang para sa birthday party ng father ni Ethan next week na kasi yun eh." "Ahh" Tumatango tango si Arianna. "Yun lang pala eh halika dadalhin kita sa shop ng tita ko napaka affordable lang mga dress siya dun." Sumakay ako sa sasakyan niya at umalis sa school.

BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...