Thirty Nine

35 2 0
                                    

"You're sixteen weeks pregnant, iha."

Nagulat ako sa sinabi ng doktor. Hinawakan ko aking tiyan. Nagbunga yung pagmamahalan namin ni Ethan. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung handa na ba si Ethan maging ama lalo na sa sitwasyon niya.

Pagkatapos ko pumunta sa ospital, agad akong dumiretso sa bahay nila Ethan. Two months ng namatay ang mommy niya pero hanggang ngayon di parin siya makarecover.

Tumigil siya sa pag aaral, naging delayed yung pagplano sa kasal namin. Hindi kasi maganda yung kalagayan niya. He was emotionally unstabled. Minsan nakatulala, hindi kumakain at palaging umiiyak.

Sobrang naaawa na ako sa boyfriend ko. He refused to ask for professional help. Binabantaan pa kami na magpapakamatay siya pag sinubukan naming ipatingin siya sa doktor.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Masyado akong pre-occupied sa school, sa student council, sa graduation, sa kay Ethan.

Tapos bigla ko malalaman na buntis ako? Paano ako maging ina sa anak namin ni Ethan? Paano ko sasabihin sa kanya? Paano siya magiging ama sa anak naming dalawa?

Hay. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang lahat ng tanong na yun.

Nakarating na ako sa bahay nila. Hinanap ko kaagad kung nasaan si Ethan. Sinabi naman ni Manang Tess sa akin na nasa balcony siya kaya't pinuntahan ko na.

Nadatnan ko siyang may hawak na baso na may lamang beer. Nakita ko ang iilang bote ng beer na nasa sahig. Umiinom na naman siya.

"Ethan"

Agad kong kinuha ang baso sa kamay niya. Napansin niya ako kaya ibinigay niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Wag mo akong iwan. Ikaw na lang ang mayroon ako."

Tumulo ang luha ko at agad kong pinahid iyon. You have to be strong Samantha lalo na ngayon na may anak na kayo. Bulong ko sa sarili upang maging malakas ako para sa amin ni Ethan. Tinawag ko si Manang Tess para iligpit yung mga kalat ni Ethan at inalalayan siyang pumunta sa kwarto.

Pinahiga ko siya sa kama. Nagpadala na rin ako kay Manang Tess ng mainit na tubig at tuwalya para ipahid ko sa katawan ni Ethan. Nakatulog siya sa ginagawa ko.

Magiging maayos ka rin Ethan. Ipinagdadasal ko yun sa bawat araw. Alam kong malakas ka. Malalampasan mo rin ito at kasama mo ako. Hinding hindi kita iiwan.

Nakatulog pala ako at pag gising ko wala na si Ethan sa tabi ko. Natabig ko yung baso at yung bote na lalagyan ng vitamins niya. Tumayo ako at agad na iniligpit iyon pero laking gulat ko. Hindi vitamins ang laman no'n.

Nakabalot ito ng maliliit na papel. Binuksan ko ito at laking gulat ko kung ano iyon. I smelled it and it was Marijuana. Kailan pa gumagamit ng drugs si Ethan?

Lumabas siya sa banyo, at gulat nung nakita ako kaya nilapitan niya ako at agad kinuha yung drugs sa harapan ko. Napatayo ako at pinantayan siya.

"Since when are you taking drugs, ha?"

Nakita ko ang galit sa mga mukha ni Ethan. Pulang pula ang mga mata niya at nakakatakot iyon. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit yung mukha. Tinalikuran niya ako.

"Saan mo kinuha 'to? Paano 'to napunta sayo?"

Hinawakan ko siya at iniharap sakin. Tiningnan ko ng maigi yung mukha niya. Kaya pala nangangayayat siya at palaging pagod ang kanyang mga mata.

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon