Ten

93 2 0
                                    

Patuloy parin ang intrams sa school namin ngayon. Nagpaganda ako with the help of my best friend Arianna. Alam ko kasi na may laro si Ethan ngayon sa basketball kaya nagpaganda ako at gusto ko siyang kausapin after nung nangyari kagabi hindi na niya ako tinetext at tinatawagan.

"Uyy bes dito tayo." Tinuro ni Arianna yung bakanteng upuan kaya umupo kaming dalawa. Hindi pa nagsisimula yung laro and I saw Ethan with his team na kinakausap ng coach nila maybe? Ang kalaban nila Ethan ay nanggaling pa sa ibang school "New Era University" at hindi ako pamilyar dun.

Nag umpisa na yung 1st quarter napaka higpit ng laban at palaging binabantayan si Ethan ng ibang team. Pero buti na lang magaling si Ethan dahil naka 3 points agad siya.

"May nakaupo dito?" Lumingon ako sa lalakeng nasa tabi ko. "Wala. Vacant dyan." Tumango ang lalake at umupo sa tabi ko. Nakita ko si Ethan na nakatingin sa akin pero agad din siyang lumingon pabalik dahil pinasa sakanya yung bola. "Mag isa ka lang?" "No. Katabi ko yung bestfriend ko." Lumingon ako kay Arianna at nakita siyang nakikipag usap sa lalakeng katabi niya kaya nagkibit balikat ako at ibinalik yung atensyon sa laro kung saan magsisimula na yung 2nd quarter. "Mukhang busy naman yung bestfriend mo tayo na lang mag usap miss?" Wala bang ibang kausap tong lalakeng to? Hindi niya ba nakikitang busy ako sa kakapanuod ng laro ni Ethan? He's annoying! kaya di ko siya pinansin. Nagulat ako kasi biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Dale. "Samantha! We meet again" He just smirk and whispered to the man who spoke me a while ago. "Ohh Ethan's girl." Tumatawa yung lalakeng kausap ko at tumingin sa akin. "Bakit? Is there something wrong?" "Oh wala naman." Tapos tumawa silang dalawa. "Bes, sino sila?" Lumingon ako at sinabing "schoolmates ni Ethan higshchool I guess?" Si Dale lang kasi yung alam kong schoolmate ni Ethan nung highschool. "Yeah." Sabi nung lalake. Inilahad niya yung kamay niya sa akin. "I'm Patrick, and this is Dale." Ngumiti lang si Dale sa amin at agad inilahad din ni Arianna yung kamay niya kay Patrick. "I'm Arianna Lopez and she's Samantha Nicole Castillo." "Ohh a lovely name" tapos tumatawa si Arianna na parang kinikilig. Nabaling na yung atensyon ko sakanila nag uusap na kami ng kung ano-ano at nalaman namin na taga New Era University pala sila at yung course nila ay BS in Civil Engineering. "Ang hirap pala nung course niyo tapos 5 years pa talaga ha." Aniya ni Arianna. Umupo na rin si Dale sa tabi ni Patrick at sumali sa usapan namin. "Oo mahirap talaga pero we have no choice parents namin yung may gusto nito eh." Tapos sumingit si Dale sa usapan. "Kahit nga si Ethan pinilit lang siya nung parents niya na kumuha ng kursong Marketing para maalagaan yung business nila someday." "Talaga? So iba talaga yung gustong course ni Ethan?" Tumango si Dale. "Gusto niya talaga sa Paris siya mag aaral." Paris? Big time ah? "Bakit sa Paris?" Tanong ni Arianna. " "Kasi pangarap niya sa University Pierre et Marie Curie one of the famous universities in Paris." "Talaga? Ang talino talaga ni Ethan kaya ang swerte ng bestfriend ko sakanya." Tiling tili na sagot ni Arianna. "Hey Dude! Andyan ka na pala." Lumingon ako kung saan tumitingin si Patrick at nakita ko si Ethan na may towel sa kanang balikat niya at pawis na pawis kaya agad akong tumayo at nilapitan siya. "Ikaw dude ah, you didn't told us that you already have a girlfriend." Tumatawa silang dalawa ni Dale. "Ahh hindi pa naman sila" Sabi ni Arianna. "Hindi pa siya sinasagot ng bestfriend ko." dagdag ni Arianna. Nagkatinginan lang sina Dale at Patrick na parang hindi makapaniwala. "Let's go!" Inakbayan ako ni Ethan kaya nagpaalam na ako kina Dale at Patrick at tumango lang sila. Si Arianna naman ay nagpaiwan mukhang gusto pang makipag usap sa kanila. "Tss you don't really watched the game buti na lang panalo kami." Napasmirk si Ethan at halatang naiinis. "Sorry eh kasi dumating yung mga schoolmates mo nung higshchool nagkwentuhan kami ng kung ano-ano. Wait. Kinakausap mo na ako so it means bati na tayo?" Tumango si Ethan. "Damn! I can't resist you." Tapos niyakap niya ako.

"Ethan hindi mo pala nabanggit sa akin na sa Paris ka dapat mag aral? Nabanggit kasi nina Dale kanina eh." Napakamot si Ethan sa ulo niya "Well its non sense lang din naman kung pag uusapan natin. Its just one of my dreams and I let my dreams just be a dreams because my parents usually planned my future." "Pero hindi mo talaga gusto yung Marketing?" "At first pero now I'm loving it unexpectedly because of you." "Because of me?" Nagtatakang tanong ko kay Ethan. Ngumiti lang siya at niyakap ako "Because you're that someone I never expected to fall for."

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon