Four

185 5 1
                                        

Pag gising ko narinig ko ang mga hiyawan at tili ni Nanay kaya agad akong bumangon at tiningnan ito.

"Ate ang gwapo ng jowa mo!" Saway ni Francine sa akin.

Ha? Anong jowa? "Tingnan mo sa baba dali."

Agad akong bumaba at nagulat ako dahil nakita ko si Ethan na kinakausap ang Nanay ko.

OMG! Anong ginagawa niya dito? Sabado ngayon ah?

Ethan? Bat mo alam kung saan ako nakatira?

"Nagtanong ako sa mga tao diyan sa labas. Pasensya ka na ha hindi ako nakapagpaalam sayo." Namumula ang mga pisngi ni Ethan halatang nahihiya siya sa ginawa niya.

Okay lang yun. Teka, nag almusal ka na ba? Gusto mo ipaghain kita?

"Sige. Salamat."

"Anak ako na maghahanda asikasuhin mo na lang ang bisita mo."  Sabi ni Nanay at agad tumili.

Pati ba naman si Nanay nagka crush kay Ethan.

"Ate, kailan pa kayo ng jowa mo?"

Nagulat ako sa tanong ni Francine ang bunso kong kapatid.

Hindi ko siya boyfriend, magkaklase kami. Dun ka nga sa kusina.

"Uyy tisoy! Pag maging kayo ni Ate tapos pag nalaman ko na sinaktan mo siya ipapabugbog talaga kita kay tatay ikaw pa naman ang magiging first boyfriend niya kapag nangyari yun."

Ngumiti si Ethan. Haaaay bat lalo kang gumagwapo kapag nakangiti? Nahuhulog ang panty ko ayy este ang puso ko pala.

Siniko ko si Francine kaya umalis siya at pumunta sa kusina.

Pasensya ka na sa kapatid ko ha? Ang ingay.

"No, its okay nakakatuwa nga kayong magkapatid eh. Ang cute nyo tingnan.

So, wala ka pa palang naging boyfriend ever since?"

Oo. Hindi ko pa kasi nahahanap yung guy who deserves me.

"Ofcourse, you're worth the wait Sam. You are not deserving of being dumped, cheated on and taken for granted because your beautiful inside and out."

Waaaaa grabe! Pwede pakihinto muna at irewind yung mga sinabi niya?

Iho, kain ka na. Mamaya matunaw yang anak ko sa kakatitig mo.

Si Nanay talaga panira ng moment! Ayan tuloy lumapit si Ethan sa lamesa at andito parin ako sa kinatatayuan ko na parang di makagalaw sa sinabi ni Ethan.

Iho, huwag mo sanang mamasamain ha? Pero bakit mo dinalaw ang anak ko? May lakad ba kayo?

"Ah, maam kasi po I would like to ask a permission kung pwede po bang makapunta si Sam mamaya sa launching ng Student Council isa po kasi siya sa mga officers."

Talaga anak? Naku! Bat di mo sinabi? Teka, ano bang isusuot diyan iho?

"Formal attire po. Pero don't worry may hinanda na akong damit for Sam I just need your approval na lang po maam."

Okay. Papayag ako basta ingatan mo ang anak ko at iuuwi mo siya sa amin ng safe.

"Opo maam, makakaasa po kayo."

Ngumiti si Ethan sa akin at ngumiti din ako.

"Pasensya ka na kung di ko nasabi kagabi ha? 11 pm na kasi nung nag text si Thea sa akin tapos di ko naman alam yung cellphone number mo kaya pinuntahan na kita sa bahay niyo."

Okay lang yun. What time ba yung party?

"6pm. Syanga pala pwede ikaw na rin yung intermission number?"

Ha? Eh hindi ako nakapag practice eh.

"Oo nga eh pero napansin ko kasi na maganda ang boses mo kaya please please ikaw na lang muna babawi ako sa susunod."

Sige.

A/N Abangan niyo ang launching party sa susunod na chapter kailangan ko na munang umalis for now. Yung picture sa gilid yan yung isusuot ni Samantha sa party. Bye!

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon