Twenty Seven

125 4 0
                                        

Never Been Satisfied


Mabilis na nagdaan ang mga panahon. Second year college na ako sa Holy Angel University at Vice President ng Student Council.


"Gosh! Super lamig ng panahon. Ba't kasi may pasok pa tayo?" Lumingon ako kay Arianna at nakita siyang yakap yakap ang sarili sa suot na jacket. Oo nga. Hindi ba nakaramdam ng pagkaawa ang school administration namin? Sunod sunod na ang ganito kalamig na panahon wala namang ulan o bagyo pero parang nasa states na rin ako.


Ano na kaya ang ginagawa ni Ethan ngayon? Isang taon na rin ang nakalipas nung umalis siya papuntang Amerika. Naaalala ko pa yung hinatid ko siya sa Airport.


"Three months Samantha. I'll get back after 3 months. Just promise me that you won't give up on us." Tumango ako sa sinabi niya at hindi nagpakita ng kahit anong takot o lungkot na emosyon. Gusto ko hindi siya magdadalawang isip na aalis siya dahil ayokong ako ang magiging dahilan niyon.


Mahirap ang Long Distance Relationship, yan ang sabi ng iilan. Pero kung pareho naman kayong may tiwala at marunong makuntento sa isa't isa hindi ito hadlang kung kayo ay tunay na nagmamahalan. Inaamin ko sa loob ng isang taon namin ni Ethan hindi naging madali ang pagsasama namin. Yung sinabi niyang hanggang three months lang siya doon sino bang mag aakalang tatagal pala siya ng isang taon.


Hindi namin inaasahan na ganoon ang mangyayari dahil patuloy kaming umaasa na gagaling ang Mommy niya pero habang tumatagal lalong lumalala ang kalagayan niya. Nagsimulang manghina ang ibang parte ng katawan ni Tita kaya natagalan ang pag stay ni Ethan doon at nagpasya siyang doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.


Mangiyak ngiyak ako nung nalaman ko iyon. Hindi ko alam kung nalulungkot ba ako dahil matagal pa kaming magkakasama o malungkot ako dahil sa nangyari sa Mommy niya. Hindi ko alam. Basta, ang importante andito parin ako sa tabi ni Ethan iniintindi siya at may tiwala ako sakanya. Alam kong babalik siya. Babalikan niya rin ako.


"Besh!" Nagulat ako nung tinapik ni Arianna ang balikat ko at napansin kong nasa school na pala kami. Hindi ko man lang namalayan kasi masyado akong pre occupied. "Ayaw mo bang bumaba? C'mon! Male-late na tayo." Biglaang bumalik sa sistema ang katawan ko. Oo nga pala noh? Shit! Di kami pwedeng ma late sa Accounting Class super terror pa naman ng teacher namin.


Mabilis kaming naglakad papunta sa room at mabuti na lang wala pa roon ang teacher namin kundi tiyak lagot kaming dalawa. Maya't maya pumasok yung Secretary ng Dean at idineklara na absent yung teacher namin kaya lahat kami ay nagsigawan na parang nanalo sa lotto. "Students, huwag maingay! May nagkaklase sa magkabilang room."


"Sorry Maam". Ngumingiti ngiti kami ni Arianna dahil sa wakas for the first time absent yung teacher namin. "Pupunta ka bang SC office besh? Ihahatid ko kasi tong case study na pinagawa ni Michael sa akin eh. Sabay na lang tayo?"


Nakatingin lang ako kay Arianna at pinagmamasdan ang hawak hawak niyang folder. "Seriously, ikaw ang gumagawa nang assignments ni Michael?" Umiling iling siya sa tanong ko. "Hindi kaya! Sinusuklian ko lang yung kabutihan niya sa akin." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at hindi naniniwala. The last time I checked si Dale Saavedra ang parati niyang kasama tapos ngayon si Michael na naman?

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon