Forty

19 3 1
                                    

Masyadong busy sa school ngayong araw na ito dahil ilang linggo na lamang ay graduation na sa Holy Angel University. Ilang taon ko rin hinintay ang ganitong pagkakataon. Sa wakas makakatapos na din ako sa kolehiyo.

Nasa school grounds ako naglalakad lakad at pinagmamasdan yung bawat estudyante na dumadaan. May nakikita akong iilang estudyante na nakaupo sa bench sa isang talisay na gumagawa ng homework. Napangiti ako. Ganito rin ako dati, kami ni Arianna at ni Ethan.

Nakakalungkot mang isipin na di ko makakasama si Ethan sa pag martsa pero may susunod na taon pa naman para makahabol siya. Umakyat na ako sa taas at dumiretso sa Student Council Room. Pagdating ko, nadatnan ko sina Michael at Thea na tinuturuan ang newly hired to be part of our team, napangiti sila pagkapasok ko.

"Uyy! Andiyan na ating Magna Cum Laude."

Pagkatapos ng iilang taong pag aaral at pagsisikap. Nagbunga din ang mga paghihirap ko. I maintained my grades well dahil na din sa tulong ni Ethan.

"Di mo kasama si Ethan?"

Napasimangot si Thea. Napabuntong hininga muna ako bago tuluyang sumagot sa kanya.

"Alam mo naman kung ano yung sitwasyon niya diba?"

Nilapitan ako ni Thea at napansin ko sa kanyang mukha ang puno ng pag aalala.

"Bat di mo na lang kasi ipa rehab? I think lumalala na siya."

I guess she's right. Ilang weeks na akong hindi nakatira sa bahay ni Ethan. Umalis ako doon pagkatapos nung matinding away namin. Mas makakabuti kasi iyon sa baby namin.

Nakikibalita na lang ako kay Manang Tess kung kamusta na si Ethan ayaw niya kasing magreply sa akin o sagutin man lang yung mga tawag ko.

Sobrang nag aalala ako sa kanya. Pero mas nag aalala ako sa dinadala ko. Ayokong madamay pa yung bata sa kung ano man yung di namin pagkakaintindihan ni Ethan kaya mas mabuting lumayo na muna ako. I think kailangan din namin yon para sa baby namin.

"Ilang beses ko pinag isipan yun Thea pero nagbabanta kasi siyang magpapakamatay. Ayokong mangyari yun kaya pinili kong manahimik."

Nakapameywang si Thea habang magkausap kami. Lumingon siya kay Michael at nakitang tumango na mukhang sang ayon sa desisyon ko.

"I get your point Sam pero habang tumatagal lalo siyang lumalala. Sabi mo nga diba, sinaktan ka niya physically baka mamaya niyan mapatay ka niya!"

Nagulat ako sa huling sinabi ni Thea may halong diin ang pagkakasabi niya. Oo malupit si Ethan sa akin pero I can see it in his eyes na di niya magagawa sakin yun dahil mahal ako ni Ethan.

Pagkatapos ng klase umuwi na agad ako sa bahay. Nadatnan ko si nanay na kakatapos lang magluto.

"Oh. Andiyan ka na pala. Halika na at umupo, nagluto ako ng batchoy."

Nagmano ako kay nanay at umupo sa upuan.
Alam ni Nanay na nagdadalang tao ako at hindi naman siya nagalit nung nalaman niya yon. Tutal nga nag aalala din siya kay Ethan kaya mas mabuti na lang raw na dito muna ako titira pansamantala. Pero hindi niya alam na nag da-drugs si Ethan dahil ayokong may ibang makaalam non. Ayoko na mag iba ang pananaw nila sa taong mahal ko.

"Si Francine nay, dito ba sya kakain?"

Napahawak ako sa aking tiyan. Ano na kaya ginagawa ni Ethan ngayon? Kumakain kaya siya ng tama? Nakakatulog kaya siya ng maayos? Tininingan ko aking phone na nasa tabi ng aking pinggan at napasinghap kasi wala man lang isang mensahe na nagmumula kay Ethan.

"Oo. Uuwi yun mamaya."

Pagkatapos kumain nagpasya na lamang ako na umakyat na sa kwarto ko para makapagpahinga. Nakaramdam ako ng pagod pagkahiga ko sa kama.

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon