Second day of class namin ngayon at mag me-meet kami ng ibang teachers. Katabi ko si Arianna sa lahat ng subjects dahil siya lang naman yung palagi kong nakakausap dito.
Wala kaming teachers from our previous class at sana wala din kaming class sa P.E
Naghihintay kami ngayon sa gymnasium kung saan dito namin ime-meet si Professor Amy Santiago.
Nag ring na ang bell at may dumating na teacher.
"Seat down class. I'm Professor Amy Santiago and I would like to tell you na dito tayo magkikita everytime magkaklase tayo. You get it?"
"Yes maam."
May binigay si Maam na mga index card para isulat yung mga pangalan namin doon. Nag discuss din siya kung anong gagawin namin sa Prelim, Midterm at Finals.
Napag usapan ng klase na folk dance ang ituturo ni Maam sa Prelim kaya sinulat din namin yun sa index card at pinasa na namin iyon sakanya.
Quarter to five ng tingnan ko aking relo. Sana matapos na si Maam Amy para hindi ako ma late sa SC meeting nakakahiya kasi kabago bago ko pero na late agad.
After namin pumasa ng index card nag discuss ulit si Maam tungkol sa folk dance. "Basic steps lang ang ituturo ko sainyo class since freshmen pa kayo."
Tiningnan ko ulit ang relo ko. Gosh! 5pm na kailangan ko ng umalis pero hindi pa kami nadismiss ni Maam.
"Okay class you may now go."
Tumayo agad ako at kinuha ang bag ko. Nagpaalam ako kay Arianna at sa mga classmates ko at mabilis na tumakbo.
Shit! Hindi ko alam kung saan yung auditorium.
Nagtanong tanong ako sa ibang students kung saan yung auditorium. "Sa C building miss 3rd floor."
"Thank you" sagot ko at agad na tumakbo papuntang C building.
Humihingal ako ng matapos kong akyatin ang stairs. Sinilip ko ang pinto ng audi.
Gosh! Nagsimula na sila. Nakita ko si Ethan na nakatayo at may dalang marker na may sinusulat sa white board. Kumatok ako sa pinto at tumigil si Ethan sa pagsasalita. Pumasok ako at lumingon silang lahat sa akin.
"Ahmmm hello!" Kumaway ako para batiin sila.
"Ikaw yung ni recommend ni Sir Romero?" Tumayo yung babae at lumapit sa akin. Siya ba yung si Thea? Yung sinabi ni Arianna sa akin kahapon?
Tumango ako. "oo sorry I'm late."
"Its okay, first meeting pa naman namin tara pasok ka." Pumasok ako at umupo sa tabi niya.
Nakatingin lang si Ethan sa akin. Shit! Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Alam niya kaya na ako yun? Umirap lang siya at nagsalita ulit. Binigyan ako ng mga papel ni Thea at sabi niya isusulat ko raw doon yung napag usapan sa meeting.
Ethan were discussing the activities na gagawin for the entire semester. Nakatingin lang ako sakanya. Ang gwapo gwapo niya kasi talaga kaya I know na kung bakit pinagkakaguluhan siya.
Miss? Ginagawa mo ba ang trabaho mo? Nakita ko silang nakatingin sa akin eh paano kasi lahat ng mata ko andun kay Ethan.
"Ahh ofcourse I'm listening and I'm taking down notes".
"As a secretary lahat ng sasabihin ng President ng Student Council isusulat niya ito. Naiintindihan mo ba miss?" Ang sungit! Bakit ba pag pinupuri kita sa isipan ko sinusungitan mo ako? Nakakainis! Tumango na lang ako tapos ang usapan.
"Okay good. Miss?"
"Castillo" I prefer to say my surname since most of our teachers naman surname yung tinatawag sa amin.
"No. I mean your first name?"
"Samantha po just call me Sam for short."
"Okay miss Sam lahat ng nakasulat dito sa board make sure you have a copy of it and as a secretary kasama ka sa lahat ng assembly ng student council is that clear?"
"Ofcourse, no problem Mr. President" tumango lang siya at patuloy na nagsulat sa board. "Sure basta ikaw" pabulong na sabi ko.
"What?" Omg! Nagulat ako ng biglang lumingon si Ethan. Narinig niya ang sinabi ko?
"Aaaah ang ibig ko pong sabihin walang problema."
Tumango lang siya at sinabing isulat ko lahat ng sinulat niya sa board. Tapos na ang meeting ng SC kaya niligpit na nila yung mga gamit. Nanginginig ang mga kamay ko sa pagsusulat nung nilapitan ako ni Ethan at umupo siya sa tabi ko.
"Yesterday, I saw you. Nakita kong nakikinig ka sa usapan namin ni Michelle. I know what you're thinking but I just want you to know that I'm not that kind of person."
Napansin niya pala talaga ako? Nahiya tuloy ako sa ginawa ko. Shit! Nakakahiya talaga. Bakit pa kasi ako naging chismosa? Lumingon ako sakanya at nagtapat ang mga mata namin kaya umiwas ako sakanya at patuloy na nagsulat.
"Hindi ko naman sinasadya yun. Pauwi na kasi ako kaya aksidente kong narinig yung usapan niyo ng girlfriend mo pasensya na po" pagdadahilan ko sakanya agad akong tumayo para makaiwas sa mga sinasabi niya. Nakakahiya kasi talaga eh! Bakit ko pa kasi siya sinundan.
Nabigla akong nung hinawakan niya yung braso ko lumingon ako sakanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin.
"Mabuti naman at tinanggap mo ang alok ni Mr. Romero sayo. Kailangan kasi talaga namin ng Secretary sa SC." Ang gwapo niya lalo pag nakangiti yun din siguro ang dahilan kung bakit siya pinagkakaguluhan dahil sa killer smile niya. Diba naging model din siya ng isang international magazine? Malakas siguro ang kita nun ang gwapo niya kasi eh!
"Nahihiya nga po ako eh. Wala pa akong experience baka hindi ko ma handle ng mabuti."
"Don't worry andito naman kami, magtutulungan tayo. Basta you promise us na kailangan balance yung time mo sa academics at sa SC and no failing grades and drop subjects Sam or else mapipilitan kaming tanggalin ka sa student council just like what happened sa mga nagdaang officers ng student council."
Tumango ako sakanya. I get it! Kaya pala naghahanap sila ng Secretary kasi yung naassign before tinanggal because of his/her academics. At ang swerte ko because I'm given this opportunity at hindi ko sasayangin ito.
"See you tomorrow in our Basic Finance class bye!"
Tinapik ni Ethan ang balikat ko at umalis na kasama niyang umalis si Thea at yung dalawang member ng SC.
6pm na ng matapos ang meeting namin kaya plano kong umuwi na.
Nakasalubong ko si Arianna kaya tinawag ko siya.
"Arianna." Lumingon siya at lumapit sa akin.
"Hey! Bigla ka na lang umalis kanina. Ilagay mo nga dito yung cellphone number mo para matawagan kita." Inilahad niya yung iphone niya sa akin kaya nialgay ko ang number ko at pagkatapos nun ibinigay ko ulit sakanya yung iphone niya.
Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah! Tanong ko sakanya.
"I was just checking the auditorium balita ko kasi may meeting si Ethan dito." Tiling tili na naman siya. Haynaku! Si arianna talaga.
"Oh ikaw bat andito ka rin? Bat di ka pa umuwi?"
"Kakatapos lang ng meeting namin sa student council."
Hinampas ni Arianna ang braso ko pero mahina lang naman. Mukhang hindi yata siya makapaniwala.
"Totoo bang sinasabi mo?"
Tumango ako sakanya. Kinausap ako ni Mr. Romero kahapon kung pwede ba akong maging secretary ng SC kaya ayun pumayag ako.
"Bat di mo sinabi sa akin kanina?"
"Eh hindi pa kasi ako tanggap. Akala ko may mga auditions pang magaganap pero wala eh automatic hire talaga."
"Ang swerte mo! Alam mo maraming gustong maging part ng SC pero yung mga dean's lister lang ang nakukuha may basis kasi sila sa when it comes to grades. Kaya ikaw alagaan mo yung position mo."
"Okay." Nag nod ako kay Arianna.
BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...