Two weeks na lang at Prelim Exam na kaya sobrang busy namin sa school. Maraming requirements na dapat ipasa to avoid failing grades.
Kahit nga sa Basic Finance na subject namin ngayon may binigay si Maam Aira na mga test questionnaires na dapat namin sagutan at ipasa on the day of our exam.
Kakainis nga! Ang hirap. Puro math problems, mga present value and future value tapos kailangan ko pang pag aralan yung time value of money.
Kinuha ko yung scientific calculator sa bag at sinimulan ko ng mag solve. Napatigil ako nung siniko ako ni Arianna kaya lumingon ako sakanya.
"Where's Ethan?"
Lumingon ako sa likod at nakita kong bakante ang kanyang upuan.
Napabuntong hininga ako at lumingon ulit kay Arianna.
"I don't know. Baka male-late lang hindi naman siya nag text sa akin na mag aabsent siya."
Tumango si Arianna kaya nag focus na lang ulit ako sa mga sinagutan ko.
Natapos ang klase namin sa Finance at hindi talaga pumasok si Ethan.
Tinext ko na siya kung nasaan siya pero wala akong natanggap na reply.
Papunta kami ni Arianna sa canteen para bumili ng snack. Nakasalubong ko yung mga babae na dating nagpapapicture kay Ethan ngumiti sila at bumabati sa akin kaya ngumiti din ako pabalik sakanila.
Nakakatuwang isipin na kahit di ko sila kilala binabati nila ako. Eh dati si Arianna lang yung palagi kong kausap pero ngayon kahit di ko sila kilala kinakausap nila ako minsan nga nagpapapicture din sila sa akin.
Pagkatapos naming bumili ng pagkain ni Arianna umupo kami sa bakanteng upuan. Nakakapanibago wala sina Thea dito magkasama kaya sila ni Ethan?
"Uyyy! Kanina ka pa tulala jan ah. Do you have problems with Ethan?"
Nagkibitbalikat ako bilang sagot. "Maayos naman kami kahapon eh pero may kutob ako feeling ko kasama niya si Angel". Tinapik ni Arianna ang balikat ko. "Tell me what happened nung nag overnight kayo kina Thea."
Kinuwento ko kay Arianna lahat ng nangyari nung gabing iyon. Yung nanuod kami nung Serendipity yung napag usapan namin ang tungkol sa movie tapos nag breakfast kami kina Ethan nung dumating si Angel at yung pilit niyang pinapaalala sa akin na siya yung ex girfriend at first love ni Ethan at yung sinabi ni Ethan sa akin na naka move on na siya at may feelings pa si Angel sakanya.
Nagulat ako ng biglang hinampas ni Arianna ang lamesa. "Urrrgggh! Sabi ko nga ba eh may feelings pa yung angel na yun. Halatang halata naman bes kung paano niya tingnan si Ethan ang lagkit lagkit. Tapos kung makatingin siya sayo ang lawak ng ngiti napaka plastic! Alam mo ang dapat jan sakanya ibalik kung saan siya nararapat. At ikaw bes wag kang papayag na magsama sila ni Ethan ng sila lang dalawa baka mamayan niyan inaahas na niya si Ethan."
Napaisip ako sa sinabi ni Arianna hindi nga malayong mangyari na habang magkasama sila ay gagawin niya ang lahat para bumalik si Ethan sakanya pero I tust Ethan alam kong hindi niya ako sasaktan.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bag.
*ETHAN'S CALLING
"iLoudspeak mo para malaman natin kung magkasama ba sila."
Ginawa ko ang sinabi ni Arianna at sinagot ang phone ko.
"Hello Ethan bat di ka pumasok?"
"Sorry. I have photoshoot eh kakatapos lang. May klase ka sa English?"
Tumango ako "Yup".
"Huwag ka ng pumasok. I want to see you right now."
Si Ethan talaga oh nagawa pang mambola tiling tili naman itong katabi ko dito na akala mo siya ang sinabihan. Hahahahaha.
BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...