Basic Finance
"Anak gising na first day of school mo pa naman ngayon."
Narinig kong kinakatok ni Nanay ang pinto. Binuksan ko ang mata ko at kinuha yung phone para tingnan ang oras.
Gosh! 8am na pala. Pero inaatok pa talaga ako eh.
"Nay! Inaantok pa po ako." pagmamaktol ko kay Nanay. "5 mins na lang po." Napanaginipan ko na naman si Tatay. Sobrang namimiss ko na talaga siya matagal na siyang di umuuwi eh.
"Eh baka gusto mo matanggal sa scholarship?"
Nagising ulit ako sa sinabi ni Nanay. Oo nga pala noh? Agad akong tumayo at inayos ang kama. Lumabas ako ng kwarto at inabot ni Nanay ang tuwalya kaya tumakbo ako papuntang banyo. "Oh dahan dahan naman anak baka madulas ka niyan." Tumango at pumasok sa banyo.
Nagmamadali akong naligo at nagbihis sa kwarto. Inabot ko agad yung bag ko at nagmamadaling umalis.
"Nay! Alis na po ako." Kumunot ang noo ni Nanay. "Hindi ka na ba mag aalmusal? Oh eto baon mo oh."
Tumango ako at kinuha ang dala ni Nanay. "Sa school na lang po. Sige po bye!" Nag kiss ako sa cheeks ni Nanay at umalis na ng bahay.
"Oh ingat ka anak ha. Goodluck sa first day mo." Kinaway ni Nanay ang kamay niya.
Kinakabahan ako papuntang school kasi College na ako. Syempre iba na talaga pag college wala ng laro at seryosohan na.
Wala akong kakilala dito sa Holy Angel University. Ewan ko ba kung bakit dito ako pinaaral ni Nanay eh pwede naman dun sa pinag aralan ko dati.
Pero University raw kasi mas maganda raw tingnan kung nakapagtapos ka sa isang university.
Pero bahala na. Atleast pinagbigyan ako ng parents ko na BS in Banking and Finance ang course na pipiliin ko.
Bumaba na ako sa jeep at tuluyan ng pumasok sa loob.
May mga estudyanteng umuupo sa bench at nakikipagchikahan sa kasama nila.
Yung iba naman naglalaro ng basketball sa court.
Bumuntong hininga ako habang naglalakad. Kaya ko ba ito?
Bagong environment ang mararanasan ko.
Bagong teachers at bagong classmates.
Sana may maging kaibigan ako kahit isa lang.
Siyanga pala ako si Samantha Nicole Castillo
Medyo may kalakihan rin pala ito. Buti na lang di ako nalito dahil bawat building may letter na nakalagay at since sa J building ang first class ko umakyat na ako sa stairs.
Papunta na ako sa sa ROOM 405 buti na lang pagdating ko dun wala pa yung professor namin.
First day of class major agad. Sana hindi pa magkaklase si Maam.
Agad akong umupo sa right side kung saan may vacant seat.
"Hi!" Agad akong binati ng babae na nasa tabi ko. Maganda siya at mukhang friendly kaya ngumiti ako at bumati din sakanya. "Hello!"
"I'm Arianna Lopez and you are?" Sasagot na sana ako ng biglang dumating yung prof namin.
Settle down ladies and gentlemen we will now start the class I'm Professor Aira Gonzales and I will be your teacher in Basic Finance for the entire semester. Before we will start the class I would like to know each of my students so please stand up one by one, say your name and where do you live.

BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
عاطفيةSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...