Eighteen

97 2 0
                                        

The Accident

"Anong nangyayari sayo? Pansin ko iniiwasan mo si Ethan ah? Bakit?" Sunod sunod na tanong ni Arianna sa akin. Andito kami sa palasyo niya nakahiga siya sa kama niya at nag ta-type sa laptop. Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang magsalita. Andito lang ako sa sofa katabi ng kama niya umiinom ng milk tea at nanunuod ng palabas sa star movies.

"Eh kasi mukhang seryoso talaga siya dun sa usapan namin." Huminto si Arianna sa pag ta-type at umupo. "Ofcourse, gusto ka nung tao. Ang swerte mo nga eh! Kakainggit ka! Yeeeee" Tiling tiling sagot ni Arianna tapos tinapunan niya ako ng unan. Weird talaga itong babaeng to.

"Kinakabahan kasi ako. Alam mo yung feeling na dati crush mo lang siya hindi mo inaasahan na may crush din pala siya sayo. Tapos hindi mo inaakala na darating kayo sa point na papasok kayo sa isang relasyon." Napabuntong hininga na lamang ako. "Ewan ko ba kinakabahan ako." Nilapitan ako ni Arianna at umupo din sa sofa kung saan ako nakaupo.

"Besh! Hindi pa ako nagkaka boyfriend kaya hindi ako maka relate sayo pero ang masasabi ko lang let go your fear and be happy. Gusto mo naman ito diba?" Tumango ako at lumingon kay Arianna yumakap ako sakanya "Thanks besh" yumakap din siya sa akin. "No problem" ngumiti kami sa isa't isa. Iba talaga kapag may bestfriend ka masasabi mo yung mga bagay na mabibigat sa loob mo. So lucky to have her.

I turned my phone ilang oras na rin yung nakapatay pagkatapos kong magreply kay Ethan kanina. Gusto ko kasi munang makapag isip.

May mga texts palang dumating kaya binasa ko muna. May text galing kay Francine. Hala! Napadaan pala si Ethan sa bahay namin? Naku! Itetext ko na lang siya mamaya. May mga text din galing kay Nanay sinsesermonan niya ako kung bakit hindi ko sinabi kay Ethan na andito ako kina Arianna. Si Nanay talaga oh mukhang si Ethan pa yung tinuturing niyang anak pero joke lang! Hehe ^_^

Binasa ko pa yung ibang messages at nakita ko si Ethan na sunod sunod ang mga text kay binasa ko lahat.

From Ethan:

Why did you turned off your phone again?

From Ethan:

Galit ka ba sa akin? May nagawa ba ako sayo?

From Ethan:

Please reply naman jan.

Hala? Mukhang napansin talaga ni Ethan yung pag iwas ko ah. Agad agad kong pinindot yung number niya sa phone ko at tinawagan siya nag ring lang ng ilang seconds at sinagot niya rin ito.

"Hello?"

"Hello Ethan! Sorry for not replying your texts and calls busy kasi talaga ako eh. Kamusta? Nakauwi ka na ba sainyo?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ethan malalim yun ah. Is there something wrong with him?Tahimik lang siya ng ilang segundo pagkatapos nagsalita ulit siya. "Nasa hospital ako."Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko mapigilan magtanong kung anong nangyari.

"Hey! What happened? Are you alright? May masakit ba sayo? Ano"

Narinig kong tumawa siya ng malakas. Ang lalakeng to nagawa pang tumawa eh ano kasing nangyayari sakanya jan sa hospital? Nakakakaba lalo.

"Relax okay? I'm just alright. My mom, nahimatay siya kanina. I'm still here to see the results and kakausapin ko rin yung doktor para malaman yung kundisyon ng Mom ko."

Ako na naman ang napabuntong hininga sa sinabi niya. Gosh! Akala ko may masamang nangyari sakanya. "Ow okay. I thought may masamang nangyari sayo. I hope okay lang yung Mom mo."

"Thanks Sam. By the way tapos na kayong mag aral?"

Tumango ako. "Oo tapos na. Ikaw? Nakapag-aral ka na?"

"Wala pa nga eh mag rereview na lang ako mamaya." Mr. De Leon kakausapin ka ng doktor. Narinig kong sabi sa kabilang linya. "Sige sam ingat ka jan ah? Kailangan ko ng ibaba to. I love you." Tumango ulit ako "Sige Ethan. Ingat ka rin jan. I love you too."

"Wow ang sweet ah! Hindi pa nga kayo pero may pa I love you na agad." Lumingon ako at nag smile sakanya. Nakita kong pumasok si Arianna na may dalang tray inilagay niya iyon sa table at umupo sa tabi ko. Kinuha niya yung isang cup at iniabot sa akin. "Salamat."

Pagkatapos naming manood ng tv ni Arianna pinatay na namin iyon at humiga na sa kama niya. Nasa loob ng bathroom si Arianna at ako naman ay nagpagulong gulong sa kama niya. Ang lambot kasi lulubog yung katawan mo sa sobrang lambot. Narinig kong tumutunog ang iphone ni Arianna sa study table niya so hindi ko na lang pinansin pero ilang beses ng tumutunog iyon kaya napatayo ako at lumakad para kunin ang iphone niya. Tiningnan ko ito at nakitang Dale Saavedra calling....

A/N: Follow me on my IG please http://instagram.com/sassyangel26/ Thankyou :D

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon