Two Part 2

106 4 1
                                        

Kinabukasan

Excited na akong pumasok kasi Finance class namin at classmate ko si Ethan kaya nagpacurl ako at nag make up konti. Papasok na ako ng room ng may nakita akong babae na lumapit sa akin. 

"Hey!"

 Lumingon ako. Ako yung kausap mo? 

"Absolutely, I'm warning you miss, Ethan is mine. Sa oras na malalaman ko na you're flirting with Ethan I will sure to you that I can be a quite excitable person which means I'll make your life difficult."


Eto ba si Michelle yung kausap ni Ethan nung monday? Nakita rin kaya niya ako? Pero bakit nagagalit siya sa akin?

"Hindi ko alam kung bakit pinagsasalitaan mo ako ng ganyan. Hindi nga kita kilala eh. Sino ka ba?"

Nagulat ako nung hinawakan niya yung braso ko.

"I know ikaw yung bagong Secretary ng SC at sinabi ng iilang students na nirecommend ka ni Ethan kay Sir Romero. Alam ko na kailangan lang nila ng secretary ngayon kaya you don't have any rights para agawin siya sa akin. You get it?"

Tinulak at binitawan niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Aray! Ang sakit ng puwet ko! Baliw talaga ang babaeng to!

Huminto si Michelle sa pagsasalita dahil dumating si Ethan nagulat siya kaya bigla siyang umalis.

Iniabot ni Ethan yung mga kamay niya para tulungan ako sa pag tayo pero mas minabuti kong hindi kunin iyon mahirap na kung ano pa ang masabi ng iba.

Nagsilabasan pa naman yung ibang students sa magkabilang room. Nakatingin silang lahat sa akin. Kabago bago ko mukhang ako pa talaga yung nakikipag away sa mga mata nila kung makatangin kasi silang parang mga linta.

Tumayo ako at tinanggal ang dumi sa pantalon ko pumasok ako sa loob at inasta na parang walang nangyari.

Buong klase hindi ako nagsalita ni hindi ko nga nililingon si Ethan eh ewan ko ba hindi ko kasi alam kung ano yung sinabi ni Ethan sakanya at nagpapaka hysterical siya. Pagkatapos ng klase namin agad akong tumayo ni hindi ko pinansin yung pagtawag sa akin ni Arianna. Nasa rooftop ako ngayon nag-iisa, nag-iisip ng kung ano-ano.

Andito ka lang pala Sam. Naguat ako kasi paglingon ko nasa tabi ko si Ethan. Are you okay? Alam mo kung naguguluhan ka sa pinagsasabi ni Michelle kanina hayaan mo siya. Baliw yun. Actually, were not a couple. Siya yung nagsabi sa akin kung pwede bang maging kami. Sabi ko hindi kaya sinabi niya na no strings attached na lang raw. Nung nasa motel kami lasing ako nun parang may nilagay siya sa iniinom ko kaya nalasing ako pero believe me Sam walang nangyari sa amin. Obsessed lang talaga sa akin yung babaeng yun. "Why are you explaining all of this? As if I have a care in your life iritadong sabi ko. I know but ayokong madamay ka sa gulo. Marami ng inaaway si Michelle na kung sino sinong babaeng nakakasama ko kahit sa mga meetings lang ng student council. "Okay, aalis na ako." Tumayo ako ng biglang hinawakan ni Ethan ang mga kamay ko. Sana huwag kang magalit sa akin Sam sorry sa nangyari at hindi ko hahayaan na sasaktan ka ni Michelle.

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon