Seven

226 3 0
                                        

Kinuwento ko kay Arianna yung nangyari sa amin ni Ethan at eto siya nabibingi ako sa kakatili niya. 

Talaga Sam? Sinabi niya yun? Naku! Ang swerte mo talaga akalain mo maraming nangangarap kay Ethan tapos ikaw pa yung nagustuhan niya? Ang swerte mo talaga mabait, gwapo, matalino, sikat sa school, mayaman oh para nasa kanya na nga lahat eh. Almost perfect! Taray mo teh! 

Hinampas niya ako. Si arianna talaga mas kinikilig pa keysa sa akin.

Naiilang nga ako eh lalo na kapag tumitingin siya sa akin tapos hinahawakan niya yung kamay ko na parang may kuryente. Pero bakit ako eh marami naman diyan na kasing bait niya, maganda rin at sikat.. 

Pero di kasing ganda mo. Naku ikaw talaga Sam napaka NEGA mo! Diba nga sabi nila find someone who knows that you're not perfect but treats you as if you are. Kaya GO ka na sakanya at hayaan mo na yung Michelle na yun dahil ikaw ang MAS may karapatan kay Ethan. 

Ngumiti na lang ako at natahimik sa sinabi ni Arianna sabagay tama nga naman siya.

Pagkatapos ng two weeks of preparation namin sa Intramurals mukhang nagawa namin yun ng mabuti kasi yung ibang students nag eenjoy sa ibang rides, pumupunta sa iba't ibang mga booths.

Speaking of Ethan hindi ko pa siya nakikita. Nakita ko si Thea kaya tinanong ko kung nakita niya ba si Ethan sabi niya wala naman raw tinetext ko din siya kaso hindi naman nagrereply so baka walang load. 

Sam, punta tayo sa live band mamaya balita ko may ininvite yung school na sikat na banda. Sige na sama ka na! Sige sasama ako. Ngumiti si Arianna at ngumiti din ako.

Sumapit na ang gabi at hindi talaga nagparamdam si Ethan sa akin kaya pumasok na lang kami ni Arianna sa auditorium kung saan gaganapin yung live band. Umupo kami ni Arianna sa gitna at nagulat ako nung biglang lumabas si Kean Cipriano yung idol ko. Isa siyang sikat na vocalist sa bandang Callalily.

Naghiyawan ang mga tao sa loob ng audit yung ibang babae kinikilig lalo na si Arianna hinahampas ang braso ko. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Ethan. Hey, hindi ka ba pupunta dito? Guest si Kean yung vocalist ng Callalily. 

Mga estudyante ng Holy Angel University, Good evening sa inyong lahat.. narining kong nagsalita si Kean kaya iniligay ko yung phone ko sa loob ng bag. 

Ang unang kakantahin ko ngayong gabing ito ay yung Pansamantala na nasa album namin para ito sa mga taong naging sandalan kahit hindi sila mahal nung taong mahal nila. 

Pansalamantala By: Callalily

Siya na ang mayaman
Siya na ang may auto, siya na
Siya na ang meron ng lahat
Ng bagay na wala ako
'Di mo man sabihin
Aking napapansin

Kapag nalagay ka sa alanganin
Heto na naman tayo

Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Sabayan niyo ako.. Sumabay kami sa pagkanta tiningnan ko ulit yung cellphone ko pero hindi nagreply si Ethan kaya nilagay ko na lang ulit yun sa bag ko.

Bakit ba sa akin na lang
Palagi ang takbo
Sa tuwing kayo ay may away
Ako ang lagi mong karamay
'Di naman tayo, hindi
'Di ba't hindi

Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Kaibigan lang bang maituturing
Ang hirap naman yata mangapa sa dilim
Sino nga ba talaga sa amin ang iyong

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon