ETHAN POV
Pagkatapos naming nag usap ng mga teachers agad na akong umalis sa faculty room. Hinablot ko agad yung bulsa ng pants ko para kunin yung phone para itext si Sam at agad kong naisip na hindi ko pala nalagay dito kaya lumabas ako para kunin sa kotse ko. Agad kong binuksan ang kotse at kinuha ang iphone ko at nilagay sa bulsa ng pants ko. Isasara ko na sana ang pinto ng may napansin akong may dumaan sa likod ko paglingon ko nagulat ako kasi nasa harap ko si Michelle lumakad siya papalapit sa akin. Tinulak niya ako sa loob ng kotse at agad siyang pumasok. "I want us to talk Ethan." Tiningnan ko si Michelle at nakita ko ang mukha niya na naluluha siya. Hindi ako nakasagot kasi bigla niyang hinihipo ang kanang binti ko. "I want you Ethan, I really want you." at patuloy lang niyang hinihipo ang binti ko alam kong mali ang nangyayari ngayon at hindi pwedeng may makakita sa amin kaya lumabas ako sa Driver's seat at binuksan ko ang passenger's seat. "Baba!" utos ko kay Michelle at mukhang wala siyang planong bumaba kaya hinila ko siya palabas ng sasakyan. Agad niya akong niyakap "Please Ethan. Don't leave me. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta huwag mo ako iiwan." Tinulak ko si Michelle at malakas yata ang pagkakatulak ko dahil nakaupo siya sa sahig. "Sorry Michelle hindi ko sinasadya" inabot ko yung kamay ko ng bigla siyang tumayo. "Ganyan ka naman talaga Ethan eh after you played the woman you just leave her suddenly." Tapos tumatawa siya habang umiiyak. "Of all the girls in our school bakit si Samantha pa? She's weak, immature kasi freshmen pa siya, she doesn't know anything about love masasaktan ka lang." Napa kuyom ang kamay ko sa galit kung lalake lang siya kanina ko pa siya sinuntok. "And who would you like to choose aside from her? Sarili mo?" Napataas ko ang kilay ko sa galit. Tumango lang si Michelle "Yes, I'm deserving Ethan. Kaya kong ibigay lahat ng pagmamahal ko sayo mahalin mo lang ako." Natawa ako sa sinabi niya. "Eh parang ikaw yung walang alam sa pagmamahal eh? Such a pathetic girl, loser." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Matagal ng nagmamakaawa si Michelle sa akin noon pa man na wala pa si Sam ganyan na talaga siya. Naaalarma siya sa tuwing may nakakasama akong ibang babae bigla niyang inaaway ito kahit nga si Thea ng Student Council inaway na niya kasi nakita niya kaming magkasama. Aalis na sana ako ng biglang hinawakan niya ang kamay ko "I'm hurt Ethan. Are you happy now?" Lumingon ako at nakitang namamaga na ang mga mga mata ni Michelle sa kakaiyak. Niyakap ko siya at sinabing "Isn't it pathetic how you waste so much time on someone and in the end they prove he weren't even worth a second of it? Fix yourself Michelle, maganda ka huwag kang magmakuhang loser dahil sa isang lalake. The most important in loving is to love yourself." bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tuluyan ng umalis.
SAMANTHA POV
Ano may napili ka na? Tanong ni Arianna sa akin mukhang naiinip na siya kaya umupo lang siya sa sofa at nagbabasa ng magazine. "Eh hindi pa nga eh puro showy kasi na mga gowns yung nirerequest mo. Eto na lang kaya?" Tiningnan niya yung blue gown na hawak ko isa itong off shoulder. "No, hindi bagay masyado kang manang niyan." "How about this?" Tube black gown naman ang hinawakan ko. "Yung totoo Samantha pupunta ka ba sa Halloween Party?" inis na tanong ni Arianna. "Napaka choosy mo naman tingnan mo nga inabot na tayo ng hapon sa kakapili ng isusuot ko." Tiningnan niya ako ng masama. "Eh pang manang kasi palagi yung pinipili mo eh halatang di bagay sayo. Sige ka baka maturn off si Ethan sayo" Tapos tumawa siya. Napakamot ako sa ulo. "Eto na lang kaya Sam?" Nakita ko yung silver and red gown sa mannequin kaya sinukat ko at paglabas ko ng fitting room napa nganga ang mukha ni Arianna. "OMG! Ang ganda mo tingnan bagay sayo!" agad kong binayaran yung gown na nirent ko syempre may discount ako dahil maganda raw ako sabi ni Tita Julia tita ni Arianna.
Papasok na ako sa bahay namin ng marinig ko ang tawanan nina Nanay at Francine ang saya nila ah? Ano kaya ang meron? "Ate andyan ka na pala" bati ni Francine sa akin. Ngumiti ako at agad lumapit kay Nanay para magmano. "Where have you been?" Sabi nung isang lalake sa likod ko kaya lumingon ako at nakita si Ethan na umuupo sa sala at kumakain ng saging. Ethan! Andyan ka pala may pinuntahan kasi ako... "With whom and where?" Kasama ko si Arianna dun sa shop ng Tita niya. "8pm Samantha, don't forget." Tumayo na si Ethan at biglang nag walk out. Ano yun? Ano nangyari dun? Sinundan ko siya sa labas agad niyang pinaandar yung kotse niya at umalis habang naiwan ako sa labas na nagtataka.
A/N: May sample ako ng gown na isusuot ni Sam sa party. Kung gusto niyong makita kindly check the picture na nasa gilid. :D Alam ko na may mga typo errors di ko pa kasi na edit yan. Sa susunod na lang. Happy reading!
BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...
