Twenty Five

133 3 0
                                        


Ang Sasakyan

Dumilat ako at napansin kong wala na ako sa bar. Nahihilo parin ako at napahawak sa ulo ko. Urrrrgh! Ang sakit nito parang mababasag sa sobrang sakit. Ipinikit ko ulit ang mata ko at nagbabakasakaling maging ayos na ako pag idinilat ko ulit iyon. Biglang bumukas ang pinto at may pumasok narinig ko ang pagtatalakan ng mga bibig nila.

"We were just having fun Ethan while you were busy dancing on the dance floor. It was just a ladies drink! Kung umasta ka parang di na magigising yung girlfriend mo." OMG! Si Suzy yun ah? Nag aaway ba sila ni Ethan ng dahil sa akin? Pinapagalitan ba siya ni Ethan dahil nalasing ako? It was my fault kasi napasobra ako sa pag inom kahit na alam kong first time ko iyon.

"Sana hindi mo na lang siya inayang uminom. First time niya ito eh!" Sumisigaw si Ethan ng malakas kay Suzy. Oo. Galit nga siya kasi nalasing ako. Pero dapat sa akin siya magalit hindi sa pinsan niya. Ako naman yung naging iresponsable ah.

"She's no longer young Ethan, stop acting like a father!" Narinig ko ang pag padyak ng mga paa ni Suzy papunta sa pintuan. Binuksan niya iyon at padabog na isinirado ang pinto. Bumangon ako sa kama pero sa tuwing gumagalaw ako mas lalo akong nahihilo.

"Am I floating?" Napaupo si Ethan sa kama at mas mabilis niya akong nilapitan nung nalaman niyang gising na ako. 

"Are you okay now?" Hinawakan niya ako sa beywang para alalayan sa pag upo. Umiling ako bilang sagot sakanya. Medyo hindi pa kasi ako okay dahil sa pagkahilo at pagsakit ng ulo ko. "Dapat hindi kita iniwan kay Suzy." Napalingon ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon sinisisi niya parin ang pinsan niya sa pagkalasing ko.

"Ethan, its my fault dahil pumayag akong uminom at hindi kasalanan ni Suzy ang pagiging iresponsable ko." Hindi siya kumibo sa paliwanag ko. Nakita kong inabot niya ang medicine kit at ang tubig. May ibinigay siyang pain reliever sa akin at sinabing dapat kong inumin iyon.

Sinunod ko ang sinabi niya para di na siya magalit pa. Biglang bumukas ang pinto at tuluyang pumasok si Suzy. May dala siyang pagkain and Ethan gave her a scolding glare inirapan lang siya nito. Hinawakan ko ang mukha ni Ethan para humarap sa akin. Napansin ko ang laki ng eyebags niya at ang pagod ng kanyang mukha. Siguro inaantok na siya pero hindi niya magawang matulog ng dahil sa akin.

Kawawa naman si Ethan nagsakripisyo pa siya ng dahil sa akin. I know lately na napapagod siya dahil sa mga hectic schedules niya at sobrang pressure ang nararamdaman niya kasi ang taas ng impression sakanya ng buong faculty as a President of SC kaya nga kung minsan pag wala sya sa mood iniintindi ko siya dahil alam kong isa iyong mabigat na responsibilidad sakanya.

"Samantha gising ka na pala, yung damit mo nilalabhan pa ni Manang Tess bukas ko na lang ibabalik sayo pag tuyo na."

Nagulat ako sa sinabi ni Suzy sa akin agad ko tiningnan sa ilalim ng kumot ang suot ko. Nakasuot ako ng white shirt at pajama. Ano ba talaga nangyari sa akin? Naguguluhan ako! Ang huling naaalala ko lang kasi ay yung lumabas ako ng CR at nahihirapan na ako sa pag lakad dahil nakakahilo yung paligid. Wait! Naalala ko rin si Dale sa CR.

"Where's Arianna? Where is she? Bat wala siya dito?" Sunod sunod ang pagtatanong ko sakanila. Dapat ko talagang pigilan ang bestfriend ko sa pakikipagkita niya kay Dale. Masamang tao siya baka mamaya ano pa ang gawin niya sa bestfriend ko.

Napatingin sila sa reaksyon kong hindi mapalagay. "Are you okay Samantha?" lumapit si Suzy sa akin para hawakan ang noo ko. "Hinatid siya nina Thea kanina. Don't worry."

"What time is it?" Ipinatong ni Ethan ang tray sa kama. Mayroon iyong hot choco at hot noodles.

"Its 4 in the morning. Eat." Isinubo ni Ethan sa akin yung noodles. Agad ko itong sinunod. Ang sarap ng noodles nakakawala ng init sa tiyan ko.

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon