Thirty Seven

20 1 0
                                    

Kami naman ni Tita Rachel ang nag bonding. We went to the different malls para maghanap ng accessories ko, and para din sa susuotin niya. Hindi ko masyadong kasama si Ethan para mag shopping kasi masyado siyang busy para sa school niya.

Napag isipan naming manuod ni Tita ng movie, kumain sa masasarap na restaurant at magsukat ng kung anu anong damit hanggang sa napagod kami at umupo sa food court para magpahangin.

"You know what Sam, I dreamed to have a daughter. Pero hindi nasundan si Ethan eh." Natawa siya sa sinabi niya. Pero I can see the pain in her eyes. Siguro masakit parin tanggapin ang lahat para sakanya pero I know in the right time magiging okay din siya.

"Mabuti na lang andyan ka, parang may anak na rin ako na babae." Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko. "Thank you Sam. For taking good care of Ethan. Thank you dahil anjan ka para alagaan siya at mahalin siya. I'm the mother, dapat ako ang gumagawa nun." Napaiyak ako sa sinabi ni Tita sa akin kaya agad ko siyang niyakap. Pero tumigil kami nung tumunog ang phone ko. It was Tita Agnes calling.

"Hello Tita?" Pinapapunta niya ko sa shop ni Miss kaye para isukat yung gown ko. Pero how? Kasama ko si Tita Rachel ngayon. Pwede bang bukas na lang?

Napatanong si Tita Agnes kung nasaan ako ngayon. Is it okay if sasabihin ko na magkasama kami ng mommy ni Ethan? or it would be safe na magsinungaling ako?  Napabuntong hininga ako dahilan na napatingin si Tita Rachel.

"Are you okay iha?" Tita Rachel asked me.

"Can I call you later Tita? Nasa mall po kasi ako. Medyo di kita naririnig." Pinatay ko muna aking telepono bago tuluyang tumingin kay Tita Rachel.

"Opo Tita. Uhm I mean mom." Sinubo ko agad ang pagkain para makaiwas sa mga titig ni Tita. Nag nod siya bilang sagot at napangiti. Kaya ngumiti na rin ako.

Nilagay ko sa backseat yung mga pinamili namin ni Tita at pinasakay siya sa front seat. Umupo na ako sa backseat at sinabi sa Driver na ihahatid si Tita sa bahay.

Tita Agnes is calling me. Ayokong sagutin ito. Kaya dinedma ko yung tawag niya. Nakakahiya. Ako na nga yung binilihan ng mamahaling gown ako pa itong nandededma sakanya? Eh paano andito si Tita Rachel kinakabahan ako kung sakaling malaman niyang si Tita Agnes ang tumatawag sa akin.

"Samantha. Kanina pa tumutunog ang phone mo. You don't want to answer it?" Sinabi kong sa school yun. Mamaya ko na lang pupuntahan pag nahatid na si Tita sa bahay.

"If you want we can dropped you at school?" Napatingin  si Tita sa akin mula sa front seat. Mabuti pa siguro para hindi na siya magduda kung sino yung tumatawag. Nagpababa ako sakanila infront ng school. Nag wave ako at inantay muna silang umalis bago sinagot yung tawag.

"Hello Tita. Papunta na po ako diyan."

Nagmamadali akong pumunta sa shop at nagulat ako nung andoon din si Ethan. Ngumiti siya nung nakita ako kaya agad ko siyang nilapitan.

"Galing kang school?" Hinalikan niya ako sa forehead nung pagkalapit ko sakanya. Binulong ko sakanya na kasama ko si Tita Rachel yung Mommy niya.

"Anong ginagawa mo dito? Magpapasukat ka rin?" Nag nod siya bilang sagot pero may halong pag aalinlangan kaya napatanong ako sakanya.

"Bakit? Is there something wrong?" Nag aalangan siya na sabihin niya yung totoo kaya hinila niya muna ako papunta sa gilid.

"I promised my Mom na ibibili niya ako ng maisusuot sa kasal." What? Nagulat ako sa sinabi niya.

"Did Tita Agnes know all of these?" Nag nod siya bilang sagot sa tanong ko.

"Yup. Pero baka raw kasi hindi mag match sa isusuot ng bride." Nalulungkot ako sa nalaman ko. I'm sure malulungkot din si Tita Rachel pag nalaman niya to. Ethan is his son. I know she wants the best for him.

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon