Hello guys! Sana may nagbabasa parin po ng story ko. Dadalas dalasan ko na po yung pag uupdate nito since malapit na itong matapos. Upcoming na po ang Unwritten and itutuloy ko na po ang A Moment To Remember.
PS: Nasa itaas po ang sample ng gown ni Samantha. :)
Where Are You?
"Do I look good with this?"
Umiling iling ang mga kasama ko sa suot kong gown. Kailangan ko sila para tingnan kung alin dito sa boutique ang nararapat sa akin.
I sighed. Sa reaksyon pa lang ng mga mukha nila alam kong nawawalan na sila ng pag asa na makakapili ako ng magandang isusuot sa debut ko.
Medyo naprepressure nga ako. Syempre, dadalo ang mga relatives ko sa magkabilang side. Yung iilang friends ko sa high school at pati na rin sa college.
Pero mas lalo akong kinakabahan sa tuwing naaalala kong dadalhin ni Ethan ang daddy niya. I don't know why. Nag meet naman kami before pero hindi nga lang kami masyado nag usap. Pero I know this time, we will.
Nilibot pa namin ang iba't ibang boutiques sa mall. Pero wala talaga kaming mahanap na tiyak babagay sa akin.
"What if magpagawa ka na lang ng maisusuot? Para mas unique tingnan." Sabi ni Arianna. Magsasalita na sana ako nung siningitan ako ni Thea.
"Eh diba mahal yun? Isa pa Samantha wants a simple dress. Mini celebration lang yun diba?" Tumingin si Thea sa akin at hinihintay ang pag approve ko sa sinabi niya.
Yeah. All I want is just everything to be simple kung pwede. Isa pa para less na din yung gastos.
"Pero she's the star of that night. Iba pa rin noh kung bongga yung isusuot niya. What do you think of it besh?"
Napaisip ako sa sinabi ni Arianna sa akin. Sabagay, tama siya. It may be once in a lifetime event in my life. Pero it takes a lot of money to spend kung magpapagawa naman ako ng gown?
"Mahal kasi besh eh. Baka di ko ma afford."
Kinuha niya ang kanyang iphone at may kinausap sandali sa phone. Nag uusap sila tungkol sa gown na balak niyang ipagawa. Tututol sana ako pero pinigilan niya ako. Maya't maya tapos na silang mag usap.
"May kakilala akong bading. Magaling siyang designer I know he can help us to solve the problem. Let's go!" Hinila niya kaming dalawa ni Thea para umalis sa mall.
"Sino ba ang debutante?" Tumaas ang kilay ng bading at matalim kaming tiningnan ni Thea. Nakakaintimidate ang mga mata niya kaya yumuko muna ako. Pero napaangat ang ulo ko ng biglaang nagsalita si Arianna.
"The right one." Lumapit yung bading sa akin at pinagmasdan mula ulo hanggang paa na parang sinusuri niya ako ng mabuti.
Marami siyang pinakita sa aking mga designs at nakapili kaagad ako. I decided na white gown ang isusuot ko. Nag usap kami tungkol sa mga idadagdag niyang mga palamuti at tungkol sa presyo. Nilinaw ko sa kanya na simpleng gown lang ang gusto ko. Yung disente tingnan at babagay sa akin.
Ilang linggo bumalik ulit kami dito sa shop para makita ang ginawa nung designer. Picture pa lang ang nakikita ko pero napangiti na ako. I know I'm making the right decision.
Nagmamadali akong isukat ang gown sa closet room. I can't wait na makita ito nila Thea. I know they will like it too. Napatingin ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko. Napangiti ako dahil sobrang ganda ng gown. Mayroon itong white crystals sa itaas at sa baba naman ay napupuno ng feathers. Simple but elegant tingnan.
Lumabas ako at nagmamadaling pumunta sakanila Thea agad silang nagulat nung pinakita ko ang aking suot.
"Ohmy! You look so stunning Samantha." Agad sumunod ang bading sa likod ko. Nakipag-apir pa siya kay Arianna mukhang natutuwa din siya dahil bumagay sa akin ang ginawa niya.
"Good job Raquel. Hindi mo talaga ako binibigo. I'm always proud of your works." Sabi ni Arianna. Nakita kong pinagmasdan muna ako ng bading bago rumesponde kay Arianna.
"My pleasure Madam. Alam ko naman na isa ka sa mga special clients ko." Nag usap pa sila ni Arianna at Thea habang ako naman ay nagbabayad ng aking gown sa cashier. Inihatid kami ng bading palabas ng shop niya. Nakipag beso siya sa aming tatlo bago kami tuluyang sumakay sa kotse ni Arianna.
"I'm so excited sa debut mo besh feeling ko tuloy ako yung debutante." Napangiti ako sa sinabi ni Arianna. Sa aming dalawa, ako kasi yung nauna mag birthday kaya alam ko sobrang gusto nya na ring makaramdam kung anong feeling ang mag celebrate ng debut.
"Okay na ba? Do I look pretty?" Sunod sunod ang mga tanong ko sa aking hairstylist. Ewan ko ba I feel nervous kahit na hindi naman dapat. Hindi ko alam kung bakit naglalaro ang mga alaga sa tiyan ko kanina pa 'to kaya hindi ako mapalagay.
"Miss Samantha? The guests are waiting for you." Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng pinto. Napangiti ako nung sinalubong ako ni Tatay agad niyang inilagay ang kanyang kaliwang kamay sa aking kanang kamay.
Bumaba kami sa hagdan at agad dumapo ang spotlight sa akin. Nakita kong tumayo ang mga bisita ko. Pumunta kami sa gitna ni Tatay para i-take over ako sa aking partner. Hinanap ng mga mata ko si Ethan pero ni anino niya di ko mahagilap. Pati yung mga tao nagtataka na kung sino ang hinahanap ko.
Oh no! Kaninang umaga ang dating niya. Yun ang sinabi niya sa akin nung huli kaming mag usap. Pero bakit ngayon? Hindi ko siya makita? Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko kaya agad kong pinahid iyon. Nasaan ka na ba Ethan?

BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...