AUTHOR'S NOTE:
Eto na po yung last chapter sa story na 'to. Una sa lahat gusto ko po magpasalamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at patuloy na nagbabasa sa story ko simula nung una hanggang sa huli. Maraming Salamat po ng sobra. Kayo po yung naging inspirasyon ko para ipagpatuloy ang kwentong ito. Maraming Salamat din po sa paglalagay niyo ng kwento ko sa Reading's List, at sa pag vote din. Maraming Salamat din po sa mga silent readers ko. Sobrang saya ko po dahil sa pangalawang pagkakataon nakatapos na naman ako ng kwento. Sorry po sa sobrang tagal ng update alam kong nainip na kayo sa kakaantay! God bless you po.
Enjoy this long chapter po.
-
Natigilan ako sa sinabi niya. Alam ko namang ilang beses ko na itong naririnig sa bibig niya pero ngayon kasi parang may halong pakiusap. Hindi ko napigilang maiyak kaya agad kong pinahid ang mga luha sa aking mata.
Hinawakan niya ang mga palad ko. Tiningnan niya ako ng maagi at hinaplos niya aking pisngi.
"Alam ko nahihirapan ka na sa akin. Ako rin Samantha, sobrang nahihirapan na ako."
Tumulo din ang luha niya. Agad ko iyong pinunasan.
"I'm sorry hindi na ako yung tao na minahal mo noon."
No! It can't be. Alam kong ikaw parin yon Ethan ko. Naniniwala ako. Alam kong nasaktan ka lang sa pagkawala ni Mommy mo pero ikaw parin yung Ethan na minahal ko.
"I can't promise you to have a better life with me. I can't be the man na..."
Hinalikan ko siya. Ayaw ko ng marinig yung mga masasakit na salitang sinasabi niya. Hindi ko kayang marinig iyon.
"No Ethan. Pagsubok lang to! Dami ng dumating na trials sa atin ngayon ka pa ba susuko?"
Patuloy siyang umiiyak. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang ganyan alam ko sobrang nahihirapan na siya at andito ako para tulungan siya.
"Alam kong nasasaktan ka na sa akin ngayon, and I'm setting you free Samantha. Pwede ka ng humanap ng pampalit sa akin."
Ano bang pinagsasabi niya? Akala niya ba parang damit lang yung pagmamahal ko sa kanya na mabilis lang palitan kapag nagsawa ka na?
"Wag naman ganito Ethan! Mahal kita and I'm here I'll help you para makabangon ka."
Tumayo siya at tumalikod sa akin. Pinigilan kong humikbi at nilakasan ang loob ko.
"Sinasaktan na natin yung isa't isa. Di mo ba nakikita?"
Tumayo din ako at hinawakan ang brasyo niya. Lumingon siya sa akin at hinawakan ko ang magkabilang mukha niya.
"I will give you space kung naiinis ka na sa akin at ayaw mong makita ang mukha ko but I'm not breaking up with you Ethan."
Tinalikuran ko siya at lumabas ng kwarto niya.
Kinaumagahan sabado at walang pasok buong magdamag akong nakahilata sa kama. Nababagot man pero nag scan na lang ako ng mga litrato namin ng mga kaibigan ko.
Time flies so fast. Ilang linggo na lang at graduation na namin. Nakakapanghinayang kasi di kami sabay gagraduate ni Ethan. Pero may susunod pa naman na taon. Ayos lang yun maghihintay ako.
Pagkatapos ng hapunan umakyat na ako sa kwarto. Nadatnan ko aking phone na may tumatawag sa messenger ko. It was Dale Saavedra. Ano kayang pakay niya?
"Hello."
Agad siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. Ano bang problema niya. Si arianna na naman ba?
"Alam mo ba kung nasaan si Ethan ngayon? Kahit kailan talaga napaka sakit sa ulo ng boyfriend mo noh!"
BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...
