Thirteen

172 3 0
                                    

 Necklace

"You never loved anyone? Eh si Angel hindi mo ba siya minahal? Kumunot ang noo ni Sam sa pagtatanong.

"I loved her differently and with you, you make me forget that there is a billion other people in the world because I only want you."

"Napaka bolero mo talaga noh? So what happened kanina pag alis namin?" Aniya ni Sam.

"My classmates from higschool came andun nga si Dale at Patrick looking for you sabi ko umuwi ka na kaya ayun nakipag usap na lang sila kay Angel." Nag pout ang lips ni Sam at nakasimangot napaka attractive niya talagang tingnan. "Naku! Sayang hindi ko sila naabutan ang saya pa naman nilang kausap." 

"They are too playboy Sam huwag na huwag kang magtitiwala lalo na yung bestfriend mong si Arianna."

Tumingin si Sam na may halong pagtataka. "Mukhang friendly naman sila ah. Oh by the way kilala nila si Angel?" Tumango ako "Yup. We were schoolmates nung high school." "Ah so highschool ka din nung naging kayo ni Angel?" "Yeah, pero hindi kami nagtagal kasi nag migrate sila ng family niya." Tumango si Sam. "Ah," Lumingon ako sakanya at hinawakan ang isang kamay niya at hinalikan ito. "Sorry nga pala kung hindi kita nasamahan sa table kanina. I admit gustong gusto ko talaga Sam pero si Dad kasi sabi niya samahan ko raw si Angel dun sa table." Umiiling iling ang ulo ni Sam. "You don't have to say sorry. Okay lang yun andun naman sina Thea eh and birthday ng Dad mo you should spend your time with him." Niyakap ko si Sam ng mahigpit "thank you for understanding me." Tumingin ako sa relo ko madaling araw na pala kailangan ko ng ihatid si Sam. "Its already 2 am. Tara! Ihahatid na kita sainyo." Binuhat ko siya pababa at pinaupo ko na siya sa passenger's seat at umupo na rin ako sa driver's seat at pinaandar yung sasakyan.

SAMANTHA POV

Bumalik na sa dati ang lahat maliban lang sa officers ng student council kasi may kailangan kaming pag usapan kaya excused na rin kami sa lahat ng class namin. Papunta na ako sa loob ng auditorium at kasama ko si Arianna ewan ko ba sa babaeng to ayaw pumasok gusto niya raw magchikahan kami buong araw.

"So how's the party? Pinakilala ka na sa buong family niya?" Tiling tili pa si Arianna sa pagtatanong. "Okay lang naman. Pinakilala niya ako sa Dad niya at sa Ex niya." Siniko ako ni Arianna kaya napalingon ako sakanya. "Don't tell me ayan yung ex niya." Lumingon ako kung saan nakatingin si Arianna at nakita ko si Angel na nasa labas ng auditorium mukhang inaantay si Ethan.

Nasa akin ang susi ng auditorium so malamang wala si Ethan sa loob kaya nilapitan ko si Angel nakita niya ako kaya lumapit din siya. "The guard said that Ethan has a meeting in Student Council that's why I'm waiting here." Tumaas ang kanyang kilay habang nagsasalita.

Napakaganda niya talaga napaka angelic ng mukha bagay na bagay ang pangalan niya sa kanyang mukha. Napakakinis ng balat niya na para bang mahihiya ang dumi na lalapit sakanya. Lalo siyang pumuti kasi nasa banda niya ang sinag ng araw. Ngumiti ako sakanaya "Pasok ka muna sa loob." Binuksan ko ang pinto at tuluyan ng pumasok binuksan ko ang mga ilaw pumasok din si Arianna at si Angel. "So member ka rin pala ng Student Council? Dito rin kayo nagkakilala?" Umupo si Angel sa bleachers ng audi. "Nope classmate ko siya sa Finance." Tumango lang siya at nililibot ang mata sa buong auditorium. Siniko ako ni Arianna. "So siya pala yung Ex maganda siya ah pero napakasama ng tingin niya sayo kanina. Angelic face nga devilish acts naman." Napatawa ako sa sinabi ni Arianna sa akin. "Tumigil ka nga mamaya marinig niya tayo." Agad bumukas ang pinto kaya lumingon kaming lahat nakita ko si Ethan pumasok agad tumayo si Angel at lumapit sakanya. "What are you doing here?"

Puno ng pagtataka ang mukha ni Ethan at lumingon siya sa akin. Mas lumapit si Angel sakanya at hinawakan ang braso niya. "I want to spend time with you 2 months lang ako dito sa Pilipinas gusto ko makasama ang bestfriend ko." Lumingon si Angel sa akin. "Is it okay with you Sam? Don't worry I'll take care of Ethan." Nilapitan ko sila "oo naman. Okay lang sa akin." Ngumiti si Angel at hinila si Ethan palabas. "I'll talk to you later." Ngumiti si Ethan at umalis na naiwan kami ni Arianna sa loob ng audi.

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon