Result
Pagkatapos ng third day of exam namin nakahinga na ako ng maluwag pano kasi na drain ata yung utak ko these past few days kasi sobrang loaded ng mga subjects ko per exam day. "Uyy besh punta tayo sa canteen nakakagutom ang exam eh." Tumango ako at naglakad kami papuntang canteen.
"Hi Sam!" bati sa akin ng iilan. Oh sabi ko na nga ba marami na rin akong fans ngayon. Di joke lang! Syempre fans talaga yan ni Ethan nakikihati lang ako. Mehehehe. Nginitian ko sila tapos yung iba naman nakataas yung kilay nila. Aba! Syempre kilala ko sila mga kaibigan ni Michelle. Speaking of her narinig ko sa iba na bigla siyang nag drop. Bakit kaya? Dahil siguro kay Ethan.
Nakita ko sina Josh at Michael na nakaupo kumaway sila kaya kumaway din ako bumili muna kami ng milk tea ni Arianna at pagkatapos umupo kami sa pwesto nila Josh.
"Kamusta ang exam?" Nakayuko lang si Josh sa pagtatanong hawak niya yung mga reviewer nya at busy sa pagsusulat. "Medyo mahirap pero okay naman." Tumango lang siya.
Pagkatapos naming kumain ni Arianna nagpaalam na kami kina Josh. Busy kami sa pag chi-chikahan ni Arianna ng kung anu-ano patuloy parin kami sa pag inom ng milk tea.
"Uyy besh ano yun? Bakit maraming tao sa bulletin board?" Ngumuso siya at tinuro ng bestfriend ko yung bulletin board. Nagkibit balikat lamang ako dahil wala akong idea. "Ewan ko, tara tingnan natin." Lumapit kami sa bulletin board. Nakipagsiksikan kami sa ibang students na para bang walang balak na umalis doon.
"Excuse me" sabi ni Arianna pero imbis na padaanin siya siniko lang siya ng mga kababaihan. Tumaas ang kilay niya at siniko rin sila. "gusto rin naming tumingin noh!" sinigawan niya yung mga babae. Napatawa na lang ako kay Arianna ibang klase talaga to! Hahahaha.
Pinadaan na siya nung mga babae inirapan niya lang ito at tumingin na sa bulletin board. "Oh my gosh besh dali tingnan mo!" Hinila niya ako ng hinila hanggang makarating ako sa harapan.
"OMG talaga!" Bakit? Nakita ko lang naman na nakapost na Students of Business and Governance would like to congratulate these students who were candidates for Dean's Lister this semester. Please maintain your grades. Thankyou! "Castillo, Samantha Nicole lowest grade 90" Tinuro-turo ni Arianna yung pangalan ko. "Besh! I'm so happy for you." Hinampas niya ako sa braso. Ayy ang harsh talaga ng babaeng to! Kainis pasalamat ka bestfriend kita. Hmmmm.
Niyakap ko siya at nagtatalon-talon kami parang mga baliw lang. Napahinto si Arianna sa pagtalon. "Oh my besh look oh." Tinuro niya ulit yung bulletin board." Lumaki ang mata ko at namutla sa nakita ko. "De Leon, Ethan James first honor lowest grade 93."
Nangingilabot ang balahibo ko bawat bigkas ni Arianna sa pangalan ni Ethan. Mygosh! So it means panalo siya sa deal namin? Kami na? For real?
Lumingon ako kay Arianna dahil di ko alam yung gagawin ko. Kinakabahan na ako. Dati pa nga lang nung hinahawakan pa lang ako ni Ethan at kinkiss sa kamay at forehead feeling ko may mga butterflies sa loob ng tiyan ko eh ano pa kaya ngayon na magiging boyfriend ko na yung crush ko? Mygooosh maloloka ako di ko na alam ang gagawin ko.
Pauwi na ako sa bahay ng biglang nagtext si Francine kaya binasa ko. Nagpapabili ng ulam kina Manang Bechay? Hmmm. Pwede namang siya na lang eh. Lumakad ako ng lumakad papunta sa tindahan ni Manang Bechay. "Manang pabili nga po nyang kaldereta." Tinuro ko yung nasa harapan ko. Sinunod naman ni Manang Bechay ang sinabi ko at binigay ang order ko. Inabot ko agad yung pambayad ko at umalis na. Kumatok muna ako sa bahay namin bat kasi naka lock to?
Pagbukas ng pinto ni Francine sa akin biglang sumabog yung confetti sa mukha ko. Ano ba yan! Parang balak ata nilang ipakain ito sa akin. Teka ano bang meron? "Congrats ate!" bigla akong niyakap ng kapatid ko nag kiss din si Nanay sa cheeks ko. "Congrats anak." Bat sila nag ko-congrats sa akin? Hmmmm. Lumingon ako sa kanan at nagulat ako dahil andun si Ethan di ko ata siya nap Napakamot siya sa ulo niya.
Nakayakap parin si Francine sa akin sumali na rin si Nanay sa pagyakap. "Proud na proud kami ni Nanay at Tatay sayo ate dahil candidate ka for second honor. Sus! Kung di pa sinabi ni Kuya Ethan di namin malalaman yun." Lumingon ang kapatid ko sa kabilang banda. Andyan pala si Ethan? Di ko siya napansin ah. But wait, kung andito si Ethan alam na rin kaya nila yung tungkol sa usapan namin? Napabuntong hininga ako ng malalim. Nanginginig yung tuhod ko sa kaba. Hinintay ko muna ang susunod nilang sasabihin pero mukhang wala naman silang alam tungkol doon.
"Teka, ano bang dala mong ulam?" Bumitaw sila sa pagkakayakap kaya inabot ko kay Nanay yung ulam kinuha niya ito at pumunta sa kusina agad namang sumunod ang kapatid ko.
Lumingon ako kay Ethan na kanina pa nanunuod sa amin. Tinapik niya yung kamay niya sa gilid "seat here." kinabahan ako sa sinabi niya sinunod ko siya at umupo sa tabi niya.
Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan. Yumuko siya at inalapit yung bibig niya sa tenga ko. Nagsimula na naman yung mga alaga ko sa tiyan parang gustong gusto na nilang lumabas kanina pa. Hahahahaha. Lumapit ng lumapit ang bibig ni Ethan at binulong "Congratulations, My Girlfriend!"
A/N: Pabitin muna guys para ibigin! Di joke lang. Masyado po kasi akong inspired ngayong araw na ito kaya nakagawa ako ng 2 chapters. Don't forget to vote and follow me! :) And sa mga gusto mag pa dedicate message me please. Any feedbacks? Comment lang kayo! :D
And please guys follow me on my instagram account: http://instagram.com/sassyangel26/
Thank you and Goodmornight! XD
BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...
