Twenty Eight

67 3 0
                                    

They're Good Together

Palabas na ako ng school dahil maagang natapos ang klase ko. Wala naman akong gagawin kaya nagpasya akong umuwi ng maaga ngayon.

Nadatnan ko ang isang lalake na nakasandal sa labas at may hawak na sigarilyo. Agad niyang itinapon iyon nung nagtama ang mga mata namin.

"Samantha." Lumapit siya sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad. Anong ginagawa ng isang Dale Saavedra dito sa school namin?

Tumango ako bilang pag responde sa pagtawag niya sa akin. "Uyy ikaw pala!" Napakamot siya sa kanyang ulo bago nagsalita. "Eh magkasama ba kayo ni Arianna kanina? Alam mo ba kung nasaan siya?

"Hmmm. Muntik ko ng makalimutan na nag away pala sila ni Dale kaya siguro andito siya dahil gusto niyang makausap ang bestfriend ko.

"Umuwi na siya Dale. Sinundo siya ng Driver niya." Tumango tango si dale sa sinabi ko. At mukhang wala na siyang sasabihin kaya nagpaalam na ako sakanya. Nagsimula ng bumaba ang araw at ayokong gabihin sa pag uwi dahil mahirap ang sakayan papunta sa amin.

"Sandali." Hinawakan niya ang pulso ko kaya natigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya at naghintay ng sasabihin niya pero mukha siyang nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba o hindi.

"Dale. Pasensya ka na ha mahirap kasi makasakay pauwi pag naabutan ako ng gabi. Mauna na ako." Hinablot niya muli ang pulso ko. "Ihahatid kita pauwi just please samahan mo ako kina Arianna. Please. I want to talk to her."

Hindi na ba maipagpapabukas ito Dale? Kailangan ngayon na talaga? Hmmm. Ang haba haba naman ng buhok ng bestfriend ko. Nagmamakaawa ang isang Dale Saavedra ngayon para makausap si Arianna. Naks!

Papasok na kami sa Grean Meadows Subdivision kung saan nakatira si Arianna. Agad kong itinuro sa kanya ang asul na gate at itinigil niya ang kanyang sasakyan. Bumaba kaming dalawa at sinalubong ni Ate Diane, PA ni Arianna.

"Ate. Si arianna po ba nasa loob?" Hinila ako ni Ate Diane papasok ng bahay at pinagsabihan si Dale na pumasok rin. "Jusko. Ang gwapo ng kasama mo inday. Yan ba ang boyfriend mo?" Umiling iling ako kay Ate Diane. "Nasa states po ang boyfriend ko ate." Hindi na nakapagpatuloy si Ate Diane sa pagtatanong dahil biglaang bumaba ng hagdan si Arianna.

Nagulat siya ng makita kami ni Dale sa sala. "What are you doing here?" Umalis si Ate Diane at kunwaring naglilinis sa labas. "I've been texting and calling you Arianna but you're not responding. I'm worried." Pinagmasdan ko lang ang reaksyon ni Arianna umirap ito at lumayo kay Dale.

"Huh? After all what you've said na marami kang FRIENDS at hindi mo ako kailangan sa buhay mo, pupunta ka dito at sasabihin mong you're worried?" Ang cute cute nilang dalawa tingnan. Siguro kung hindi ko sila kilala siguro iisipin ko na mag syota sila. Umalis na ako sakanilang tabi. Kung ano man yung dahilan ng pag aaway nila labas na ako doon.

Nag ring ang phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa aking bag. Napangiti ako sa pangalang nakita ko doon. "Hello Ethan."

"Saan ka? Tumawag ako sa nanay mo para ibalita ang tungkol sa pag uwi ko.

Hindi ka pa raw nakakauwi." Humugot muna ako ng lakas ng loob bago ko sasabihin sakanya. I'm sure magagalit siya pag nalaman niya ang rason kung bakit naandito ako lalo na't sasabay pa ako kay Dale mamaya.

"Dumaan mu.. muna a-ako kay Arianna." Gosh! I can't find the exact words in explaining to him what's the reason behind.

"Are you telling the truth?" Nakagat ko ang ibabang labi ko sa tanong niya. Yes. I am always telling the truth. At alam mo yun Ethan.

"Oo naman. Kailan ba ako nagsinungaling sayo?" Siya na naman ang napabuntong hininga sa sinabi ko.

"Okay then. Let me talk to Arianna. I'll tell her na ipahatid ka sainyo." Patay!

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon