Ethan POV

122 4 1
                                        

First day of class namin ngayon kaya nagmamadali akong umalis ng bahay.

Madaling araw na ako nakauwi kasi may photoshoot na naman ako sa isang magazine.

Nakakainis nga kasi hindi naman ako mahilig sa pag mo-model pero ewan ko ba kay Daddy mas makakabuti raw to sa studies ko.

Sumakay na ako ng kotse papunta sa HAU sana wala pa kaming teacher ngayon since mga first year yung magiging kaklase ko.

Hindi ako kasali sa block section kasi minsan may mga appointments ako outside the school kaya ako yung pumili ng time ko.

Nag park na yung driver namin at dali dali akong bumaba ng kotse.

Sinalubong ako ng mga kababaihan sa school.

"Hi Ethan!" bati nila sa akin.

Ngumiti na lang ako sakanila. "Ethan papicture naman oh"

"Later" sabi ko "I have class" naghiyawan silang lahat.

Tumakbo ako paakyat ng J building at pagdating ko sa room 405 I saw Maam Aira inside.

Pumasok ako ng walang pag alinlangan.

Biglang naputol ang pagsasalita ng isang babae dahil napansin ako ni Maam.

"Mr. De Leon why are you late?" Napalingon silang lahat sa akin at narinig ko yung mga tili nila hindi ko iyon pinansin at umupo sa likod.

Inirapan ko yung babae na tumitingin sa akin. Its rude to stare alam niya ba yun? Kaya humarap siya at patuloy na nagsalita. I remember her siya yung nakita ko nung enrollment sa HAU kasama niya yung Mommy niya. Andun ako sa admission office nung iniinterview siya ni Sir Glen kung bakit siya dito nag aral. Narinig ko pa nga na valedictorian siya from her previous school at scholar siya dito sa HAU.

Umupo na yung babae kaya tumayo ako at agad na nagpakilala.

"I'm Ethan James De Leon, Sophomore student and I live in Quezon City."

Narinig ko ang pinag usapan nila Samantha at nung katabi niya. Samantha what a beautiful name bagay na bagay sa maganda niyang mukha. Simple lang siya naka t-shirt at pants siya at naka sneakers. Walang arte sa mukha pero maganda parin siyang tingnan.

Natapos na ang klase namin kaya umalis na ako.

Nakasalubong ko sina Michael at Josh kasama ko sa student council.

Pumunta kami sa canteen para kumain.

"Si Ethan" narinig kong sigaw ng isang babae kaya nagsilapitan sila sa amin.

"Ethan pa selfie naman oh" sabi nung babae siya yung lumapit din sa akin kanina nung papasok ako sa gate.

Tinabihan ko yung babae at Nnag selfie kaming dalawa.

"Thank you" sabi ng babae at ngumiti ako naglakad ako papunta kina Josh na kasalukuyang nakaupo sa left side.

"Hi Ethan" bati nung mga babae sa kabilang table at ngumiti rin ako sakanila.

Maya't maya dumating si Thea sa amin dala niya yung files kung saan andun yung records ni Samantha.

"Sure ka na ba jan sa gagawin mo Ethan? Kukunin mo talaga siya as part of SC?"

"Oo sure na ako. Nagagandahan talaga ako sakanya at gusto ko siyang makilala pa. Hindi enough na classmate ko lang siya sa isang subject mas mabuti na yung ganito para may chance na maging kaibigan ko siya."

Tinapik ni Josh ang balikat ko. "Ibang klase ka talaga dude!" Ngumiti na lang ako sakanya.

Pagkatapos ng vacant ko nakasalubong ko si Mr. Romero binigay ko sakanya yung records ni Samantha at pinakiusapan siya na kunin si Samantha as SC Secretary.

"Mr. De Leon bago pa si Ms. Castillo sa school I don't think magagampanan niya yung trabaho ng Student Council."

"Sir please? Kailangan na namin ng Secretary sa team and we don't have enough time para mag pa audition pa sa iba."

At first nag aalinlangan si Sir Romero pero pumayag din siya. "Alam kong may crush ka sa babaeng to nabanggit ni Sir Glen na humingi ka ng copy sa files niya. Pero as the Pres of SC pagbibigyan kita sige ihi-hire ko si Miss Castillo for Student Council.

"Thank you Sir! maraming salamat po talaga and don't forget to tell her general assembly bukas at auditorim 5 pm." Tumango lang si Sir Romero at nagpaalam na ako sakanya. Tinext ko sina Thea at sinabing na approve na ni Sir Romero ang request ko. 

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon