Eleven

125 2 0
                                        

After nung one week intramurals namin back to normal na ang lahat. At gaya ng ipinangako ko kay Ethan aattend ako sa birthday ng Daddy niya. Napag usapan namin na dun na kami sa venue magkikita dahil sasabay na ako kina Thea.

Sa totoo lang ayoko ko sanang pumunta kasi hindi naman ako mahilig sa mga sosyal na party pero pumayag na rin ako kasi invited din yung buong team ng Student Council at syempre request na rin ni Ethan mylabs ko.

"Sam? Is it okay if pupuntahan ko muna yung ibang bisita ni Dad?"

"Okay sige. Take your time. Aantayin ko muna sina Thea dito."

"Oh sige." Tumango si Ethan at umalis agad.

Napapansin ko yung mga kasuotan ng bisita nila. Yung mga lalake naka tuxedo pa tapos yung mga babae ang gaganda ng mga gowns. Yung totoo fashion runway ba to? Parang pabonggahan kasi sila ng suot.

Maya't maya dumating na sina Thea at agad ko silang kinaway para makita nila ako.

"Hi Sam! Kanina ka pa?" Tanong ni Thea sa akin.

Medyo. Uhhmmm si Ethan nga pala andun sa ibang bisita ng Daddy nya.

"Ahhh" tumatango si Thea at ang ibang kasama niya.

Busy kami sa pag uusap ng namalayan namin na may dumating na babae at bumaba siya sa kotse na Lamborghini agaw pansin siya sa mga tao may iba pa nga na nagbulong bulongan kung sino siya. Grabe! Napakaganda niya, maputi, matangkad at kutis mayaman.

Agad siyang sinalubong ng Daddy ni Ethan.

"Iha, I'm glad your here buti naman at nakarating ka."

"Ofcourse tito, I won't allow this party would be successful ng wala ako. Happy Birthday po. Nag beso ang babae sa Daddy ni Ethan." "Ethan! Sigaw ng babae at humawak sa braso ni Ethan. How are you? Did you miss me?"

Gosh! Ka ano ano niya ba ang babaeng to?

"I'm fine. Ikaw?" Walang ganang sagot ni Ethan.

"That's great. I feel better. Alam mo marami tayong pag uusapan ngayon. How was school?" Umupo ang babae sa table nila Ethan kung saan andun ang Daddy niya at ang ibang business partners ng company nila.

Umupo na rin kami ni Thea sa table namin. Nag start na yung party kaya nag siupo-an na rin yung ibang bisita. Nag serve ng cocktails yung mga waiter kumuha si Thea ng isa. "Sam? Gusto mo?" "No thanks" sabi ko sakanya.

Medyo na bo-bored na ako sa party kaya nung sinabi ni Thea na uuwi na sila sabi ko na sasabay na ako sakanila wala naman kasi akong ibang kausap dito eh si Ethan mukhang busy dun sa kabilang table.

Magpapaalam na kami kay Ethan kaya lumapit ako sa table nila. Mukhang masaya yung pinag uusapan nila kasi ang lakas ng tawa ni Ethan at humahawak pa siya sa tiyan niya.

Nakita ako ni Ethan kaya agad siyang tumayo. Tumingin sa akin yung babae at ang Daddy ni Ethan.

"Ethan salamat sa pag invite sa amin uuwi na kami. Happy Birthday po Sir! Bati ko sa Daddy ni Ethan".

Ngumiti at nagpasalamat sa akin ang Daddy ni Ethan.

"Wait. Hindi mo ba ipapakilala sa akin ang bisita mo Ethan? Mukhang ngayon lang ato nag invite si Ethan ng bisita niya ah lalo na't babae pa she must be something special. Sambit ng babae."

"Hello I'm Samantha Nicole Castillo." Ngumiti ako sa babae at ngumiti din siya. "So you must be Ethan's girlfriend?" Sasagot na sana ako nung biglang sumagot si Ethan "not yet." At hinawakan ang kaliwang kamay ko.

Nag iba ang mukha ng babae at tumawa. "Ohh I'm sorry I thought kasi pinagpalit mo na ako. Hello! I'm Natalia Angel Imperial Ethan's ex girlfriend. Nice meeting you."

Nakita ko ang mukha ni Ethan na mukhang galit pagkatapos ay hinila niya ang mga kamay ko papunta sa labas.

"Sam, I'm sorry di na sana kita dinala dito I didn't know kasi na darating si Angel hindi tuloy kita napakilala ng maayos kay Dad. Hindi tuloy kayo nakapag usap."

"Relax Ethan you don't have to say sorry isa pa wala namang ginagawang masama si Angel sa akin eh. Pumasok ka na its your Dad's birthday today spend time with him alright? Don't worry sasabay na ako kina Thea pauwi."

"Are you sure? Pwede namang ihatid kita sainyo eh."

"Its okay Ethan I can manage. Go! Minsan lang kayo magkakaroon ng time ng Daddy mo."

"Sige salamat Sam." Ethan kissed me on the forehead.

"Kami na ang bahala kay Sam, Ethan don't worry!" sabi nung isang officer ng student council. Ngumiti si Ethan at nagpaalam na kami sakanya.

"Grabe! Ex girlfriend pala ni Ethan yung babae kanina? Popormahan ko sana ang ganda eh." sabi ni Josh isa sa officer ng Student Council. "Eh mas maganda naman si Sam dun" sambit ni Thea. "Maganda nga siya sabi ko at ang sexy pa ng katawan".

"Maganda ka rin naman Sam at inaamin ko maganda rin si Angel pero parang ang sama ng ugali niya ang sama ng tingin sayo kanina eh." Sambit ni Michael.

"Enough. Mag drive ka na nga jan baka maaksidente tayo sa kakalingon mo kay Sam". Aniya ni Thea. "Pero Sam alam mo nakikita ko sa mga kilos ni Ethan na he's into you sa bawat galaw ng mata niya he's staring you all the time and I know you liked him too pero hinay hinay lang ha? Were always here for you".

"Salamat thea". Na touch ako sa sinabi ni Thea kaya niyakap ko siya. Nung nakarating na kami sa harap ng bahay bumaba na ako at nagpaalam sakanila. Pumasok na ako sa loob at naabutan ko si Nanay na nag aantay sa sala.

"Oh? Bat di ka yata hinatid ni tisoy?"

"Eh nay mas gusto ko kasi dun muna sya sa party para may time sila ng daddy niya. Akyat na po ako nay matulog na po kayo". "Sige anak." Sabi ng nanay ko.

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon