Thirty Three

37 3 0
                                    


"Enchanted"

I love the breeze of the wind its too quiet and you cannot hear anything except the waves of the sea. It feels so good. The views were so marvelous because of the different islands and you can see the sunlight filtering through the trees.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Ethan na nakayakap sa aking likuran. Tinitingnan niya na rin ang mga view na minamasdan ko ngayon. Inaamoy at hinahalikan niya ang aking buhok.

"You smell so good my love." Bulong niya sa aking tenga. 

Humarap ako sakanya at inilagay ang aking mga kamay sa kanyang leeg.

"You know Ethan, this place is amazing. Alam mo ang swerte ko kasi ang dami mo ng ginawa para pasayahin ako." He kissed me on the forehead ang hugged me tightly.

"You are worth of it Samantha. You are worthy of all my love." Napangiti ako sa sinabi niya sa akin.

Nilibot namin ang loob ny yacht. Mayroon itong napakaganda na desinyo. May mga disco room, gym, videoke mini bar pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay itong room ko. Sobrang ganda talaga. Napakalaki ng kama at ang lambot pa. Tapos ang laki ng transparent window na makikita mo kung gaano ka asul yung kulay ng dagat. Parang gusto ko na nga tumira dito eh.

Pero alam ko naman na pansamantala muna na dito kami titira ni Ethan kaya susulitin ko na iyon. Mabuti na lang at pinayagan kami ng Daddy ni Ethan na hiramin ang kanyang Luxury Yacht. Ito kasi ang isa sa mga negosyo ng Daddy niya.


"Dinner's ready." Dinala ni Ethan ang luto niyang adobo at yung iba pa nyang niluto ay dinala na ng katulong niya. Parang feeling ko tuloy na ako yung prinsesa na sinasabi ni Tatay sa kwento nya at nakatira sa mansion na kasama ang mahal niyang prinsipe.

Pagkatapos naming kumain may binigay siyang dalawang ticket sa akin na ikinagulat ko.

"Pupunta tayo ng Davao bukas."

"Ha? Anong gagawin natin dun?" Ang layo naman ng pupuntahan namin.

"Marami. Mamamasyal tayo doon. Maraming magandang pupuntahan sa Davao isa pa alam mo ba na kasali ang Davao sa #1 safest city in the world?"

Nagulat ako sa sinabi ni Ethan. Sikat ang Davao sa Durian kasi maraming ganoon sakanila. Hindi ko alam na makakapunta din pala ako sa Mindanao at si Ethan pa talaga ang nag-aya na pupunta kami doon.

"Hindi ko alam yun pero mas mabuti ng ganoon. Excited na akong pumunta sa Davao."

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon