Thirty Four

48 3 0
                                        

Full of Surprise

Andito kami ni Ethan sa NAIA para maghintay sa flight namin. Nung sumakay na kami sa eroplano tulog ako buong byahe hindi ko tuloy nakita ang bawat view ng dinaanan namin.

Nagising lang ako nung pababa na kami ng eroplano. Sa wakas! Andito na kami sa Davao. Si Ethan ang nagdala ng stroller bag naming dalawa. Habang ako naman ay nilibot libot ang mata sa bawat nakikita ko.

Sinundo kami nung lalakeng may dalang kotse. Isa raw ito sa nagtatrabaho sa Daddy ni Ethan. Bukod sa pagiging security guard nya isa rin siyang driver sa isang hotel.

Habang sinasakay na niya ang mga bagahe namin pumasok na kami ni Ethan sa loob ng kotse.

Napatingin ako kay Ethan nakasuot lamang siya ng black v-neck shirt at naka maong. May kausap siya sa cellphone. Maybe his dad.

"Dad. Andito na kami ni Sam. Yes po. Papunto na kami dun sa tinutukoy niyong hotel."

Ipinasok nung driver ang kotse sa Marco Polo Hotel. Nung pagkalabas namin ni Ethan inasikaso kami ng isang babae at dinala sa reception area. Totoo talaga na ipinareserve ito ng daddy ni Ethan.

Kinuha namin ang susi at dumiretso na sa aming room.

"Masaya ka ba ngayon? Sa kaunting surprise ko sayo?"

Nagulat ako sa tanong niya. Anong kaunti? Eh hindi ko nga ito inaasahan eh. Una yung sa yacht, pangalawa dito sa Davao. I coudln't ask for more Ethan. Your presence is enough, but this? Its breathtaking.

"Sobrang saya ko Ethan. Sobra na tong binibigay mong regalo sa akin. Nahihiya ako kasi wala akong maibigay." Bumuntong hininga siya at hinahagod hagod niya ang likod ko.

"I didn't ask in return Samantha. Ginagawa ko 'to dahil sobrang mahal kita. I brought you in Davao for a purpose. I want you to meet my Dad's family. They're part of me now."

Napangiti ako sa sinabi ni Ethan. Unti unti na niyang natatanggap ang pagiging separated ng parents niya. Its part of maturity when you learned to accept and understand the reality.

Inayos ko ang mga gamit ko at hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong isusuot ko. Si Ethan, umalis siya for a while to meet his Dad. Sabi niya he'll pick me up before 5pm dahil sasakay pa kami ng barge papuntang Samal Island.

Saan kaya ako makakahanap ng damit na maisusuot? Siguro may mga malls naman na malapit dito. Pumunta ako sa reception area at nagpatawag ng taxi. Nung dumating na yung taxi agad akong inalalayan nung guard na ibinilin ni Ethan na magbabantay sa akin habang wala siya.

"Maam, saan po tayo?"

"Manong malayo po ba yung mall dito?" Tiningnan ko ang oras sa aking relo. Its 3pm. Dapat ma consume ko ang 2 hours sa paghahanap ng maisusuot.

"Yes maam. Mayroon pong malapit na mall. Yung gaisano mall of davao po kaso masyado pong crowded. Kung gusto nyo ng tahimik na ambiance I suggest po abreeza ayala mall po hindi masyado crowded doon."

Mabuti na lang pala at hindi malayo ang pupuntahan ko. Hindi naman traffic so alam kung madali akong makakapunta doon. "Sige manong, sa abreeza na lang po tayo."

I bought Bohemian Long Dress since Beach Resort naman ang pupuntahan namin. I also bought make ups kasi masyadong time consuming kung magpapaayos pa ako and 1 hour na lang 5pm na so I decided na ako na lang yung mag aayos sa sarili ko.

I braided my hair and naglagay ng kaunting blush on in my cheeks and lipstick para mas lalong babagay sa suot ko and I'm done.

Saktong may nag doorbell sa room ko and its Ethan. When he saw me, he was amazed by my look at agad na inabutan ako ng pink roses.

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon