Twenty

163 3 0
  • Dedicated kay John Michael Abraham DeErio
                                    

Yes!

My girlfriend? Tama ba yung narinig ko? Nakatingin parin ako sa mga mata ni Ethan habang nagsasalita siya kanina. Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya.

"Aaaahh eeeh." Omg! What to do? Nakikipagtitigan din siya sa akin at parang hinihigop ako ng mga mata niya. Shit! Gusto kong maging imaginary for the meantime. Magsasalita na sana ako para iclarify kung tama ba yung narinig ko ng bigla siyang nagsalita.

"Wouldn't you hug me Sam? I'm one of those candidates too." Lumapit ako ng kaunti sa kanya para yumakap. Inilagay ko yung mga braso ko sa katawan niya.

Inamoy niya ang buhok ko at hinalikan ito. Napatingin ako sa kanya nung hinawakan niya ang mukha ko. "I'm proud of you Ethan."

"Ofcourse, you should be proud of your boyfriend." Nag smirk siya sa sinabi niya.

Lumaki ang mata ko dahil nabigla ako sa sinabi niya. So it means tama nga yung narinig ko kanina na girlfriend niya ako.

"Hindi pa naman kita sinasagot ah."

Pagkatapos kung sabihin yun tumaas yung isang kilay niya.

"But you said if I have no grades lower than 90 it means sasagutin mo ako. When I saw my grades kanina I assume na tayo na kasi alam ko naman sasagutin mo talaga ako."

Nakikinig ako sa explanations ni Ethan sa akin. Woaaaah! Ang lakas ng hangin ah.

"Just kidding" he tap my head using his right hand at ginulo ang buhok ko. "I just want to see kung ano yung magiging reaction mo."

Lumunok siya at nagsalita ulit. "Don't worry Sam I will do my job as your boyfriend and I promise not to touch your body until were married."

Hinampas ko siya sa sinabi niya. "Loko ka talaga!" Umiling iling siya "Eh bakit? You want me to touch you now? Mamaya na baka makita ng Nanay at kapatid mo" tapos tumawa siya ng malakas. Inirapan ko siya "Ewan ko sayo. Such a perv."

Tumayo ako at tumalikod sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo din.

"Kidding aside. Anyway, Pasensya ka na ha kung nasabi ko sakanila na kasali ka sa candidates for dean's list. I mentioned my name then they asked if your name was on the list too."

Lumingon ulit ako sakanya. "Its okay Ethan. Sorry din sa mga nasabi ko kanina pero ang totoo niyan sinasagot na kita."

Nakatingin lang si Ethan at nakatulala. Hindi siya makagalaw pagkatapos kong sabihin yun. Anyareh dito sakanya?

"Huy!" Tinapik ko yung balikat niya. "Okay ka lang?"

Bumalik siya sa kanyang katinuan at nagsalita ulit. "Are you serious?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Nag smile lang siya at agad niya akong binuhat at niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit.

"You just don't know how happy I am Sam. I love you so much." Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at hinalikan sa magkabilang cheeks ko. Gosh! I thought hahalikan niya ako sa lips hindi pa naman ako ready para sa mga ganyan.

Pinisil ko ang ilong niya at niyakap din siya. "I love you too my boyfriend." Niyakap niya rin ako pabalik.

"Ehem! May hindi ba kami nalalaman tungkol sa inyong dalawa?"

Si Francine. Nakatingin lang siya sa amin ni Ethan na nagyayakapan. Nagtitigan kami ni Ethan na para bang hindi namin alam kung dapat ba naming ipaalam sakanila o hindi.

"Good news Francine. Sinagot na ako ng ate mo." Na shock lang ang mukha ni Francine at biglang napasigaw.  "Nay! Pumunta po kayo dito. May good news po si Kuya Ethan." Lumapit si Nanay na may dalang kanin at inilagay iyon sa lamesa.

"Ano ba iyon?" Lumingon si Nanay sa kapatid ko at pagkatapos nun lumingon siya sa amin ni Ethan. "Tita, sinagot na po ako ng anak niyo." Ngumiti si Nanay ng malawak. "Talaga anak? Eh double celebration dapat ito eh! Francine, tawagan mo si Tatay sa skype kasi dapat malaman niya ito."

Dali daling kinuha ni Francine yung laptop at nag log-in sa skype. Buong gabi nag usap sina Nanay at Tatay through cam to cam. Kinausap din ni Tatay si Ethan at nagpayo ng kung anu-ano. Di pa nga nila sinasabi kung tungkol saan yun eh. Boys talk raw. Hahaha. Si tatay talaga oh.

Kinabukasan, sinundo ako ni Ethan sa bahay at sabay kaming pumunta sa school. Habang naglalakad kami sa loob ng campus magka holding hands kaming dalawa at napansin ko na maraming nakatingin sa amin mostly mga babae. Medyo sanay na din ako sakanila kaya binalewala ko na iyon.

Papasok na kami sa room 405 since Finance namin iyon. Pagdating namin sa room nagchichikahan yung ibang kaklase ko tapos yung iba nagpapaganda at may katext. Hindi na nila pinagkakaguluhan si Ethan di tulad ng dati na palagi silang nagpapapicture sakanya.

Hindi naman siguro nabawasan yung fans niya ng dahil sa akin kasi minsan may nagpapaalam sa akin kung pwede ba sila makapagpapicture kay Ethan. Pumayag ako kasi hindi naman big deal iyon para sa akin.

Tumabi si Ethan sa upuan ko at nag usap kami ng kung anu-ano biglang dumating si Arianna at napansin niya yata na magkaholding hands parin kami ni Ethan.

"Wait. Are you guys a couple now?" Napalingon kami ni Ethan sakanya. Napalingon rin yung mga kaklase ko at yung iba napahinto sa ginagawa nila.

Tinakpan ni Arianna yung bibig niya. Napansin niya yata na masyadong malakas ang pagkakasabi niya.

Nag nod ako sakanya at bigla niya akong niyakap. Niyakap niya rin si Ethan. "Oh my gosh besh. I'm so happy for the both of you. Pero wait Ethan ha wag mong sasaktan si Samantha. Naku! Lagot ka talaga sa akin pag pinaiyak mo ang bestfriend ko."

"Don't worry Arianna, rest assured I won't hurt your bestfriend." Nag congrats din yung mga kaklase namin. Nag smile ako at nagpasalamat sakanila.

Dumating na si Maam Aira sa room namin at binalik niya sa amin yung testpapers. Nung tinawag na yung pangalan ko kinakabahan ako kasi hindi ko natapos yung exam. Tiningnan ko yung papel ko at nakita ko na almost perfect na sana kung nasagot ko yung problem solving. Tsk! Sayang talaga pero okay lang may next time pa naman.

Sunod na tinawag ay ang bestfriend ko biglang sumimangot ang mukha niya binulong niya sa akin na nasa passing score lang siya. Tinapik ko ang balikat niya. "May next time pa besh, makakabawi ka pa."

Nung si Ethan na ang tinawag napatayo siya at pumunta sa harap. "Class, tularan niyo si Mr. De Leon. He got perfect in this exam." Nagpalakpakan kami sa sinabi ni Maam Aira. Lumakad na si Ethan papunta sa upuan niya at naupo.

Lumingon ako sa likod. "Congrats boyfriend." Ngumiti si Ethan at nagsalita. "Thanks Sam". Nag sign language siya ng 143 at agad naghiyawan ang mga kaklase ko. Ngumiti lang ako kay Ethan at napatingin sa kanila. Halatang kanina pa nila kami pinagmamasdan kaya nagkibit balikat na lang ako at lumingon sa harapan. Nagulat lang si Maam Aira at nagpatuloy sa pag distribute ng test paper.

Pagkatapos ng klase namin sakanya nagsitayuan na kami at nagpaalam. Tinulungan ko si Arianna na magligpit ng mga gamit niya.

Biglang lumabas si Ethan dahil may tumawag sakanya. Hinampas ako ni Arianna ar tumili. "Gosh besh! Kanina pa ako kinikilig sainyo ni Ethan piniigilan ko lang. Para akong nanunuod ng serye ng JaDine. Kakakilig talaga!"

Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya. Pumasok ulit si Ethan sa room at nakita ko siyang namumutla at nanginginig sa kinatatayuan niya.

"What's wrong?" Tumingin din si Arianna sakanya.

"There's something bad happened."
Bumutong hininga siya ng malamin at lumunok ulit bago siya nagsalita. "With my Mom".

A/N: Don't forget to vote and comment guys and please follow me on IG sassyangel26. God bless! <3

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon